October 9, 2020
Dear Diary,
Hindi talaga ako makapaniwala Diary na sa isang idlap, wala na si Princess. Patay na siya Diary, patay na ang alaga naming pusa.
Si Princess pa naman 'yong isa sa mga libangan ko sa oras na ako ay malungkot. Tapos, kanina lang wala na siya Diary. Kinuha na siya ni Lord. Kaya ang lungkot ko ngayon, Diary.
Kanina lang din Diary sa school, hindi ako makapaniwala na ipagtatanggol ako ni Lab sa isang nam-bully sa akin. Hindi naman niya 'yon sinaktan ng pisikilan, pinagsabihan lang niya 'yong nambully sa akin na huwag na daw niya ulit iyon gagawin sa akin kasi malalagot daw siya. Hindi ko talaga ini-expect 'yon, Diary! Dati lang kasi, masaya siyang binubully ako, tapos kanina lang bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin. Ano kaya 'yong nakain niya Diary? Nakakapanibago kasi. Mas lalo tuloy akong kinilig kanina, Diary.
***
October 9, 2020
Dear Mr. Diary,
Bakit ganun Mr. Diary? Kanina nung makita ko si babaeng planeta na sinasaktan at binubully ng ibang estudyante, bigla na lang akong naawa sa kaniya.
Pinagtanggol ko siya kanina, Mr. Diary. Pinagtanggol ko siya kahit naiinis ako sa kaniya.
Hanggang ngayon Mr. Diary, hindi ko pa nga maintindihan ang sarili ko kung bakit ko 'yon nagawa.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)