Maaga akong nag-ayos at naghanda.
Ngayong araw nato ay magkikita kami ni Mr. Agile. Marami akong gustong itanong sa kanya."Mam Sam, hindi po kita masasamahan ngayon paano kasi ang Ina ko ay nasa ospital." Pababa na ako ng hagdanan at sinalubong kaagad ako ni Ana ng hindi magandang balita.
"Ano pa bang magagawa ko Ana. Unahin mo ang pamilya mo sa akin mas mahalaga sila."
"Salamat talaga mam. Kinausap ko rin naman si Rafael ang sabi niya sasamahan ka raw niya ngayon."
Siya pa talaga ang makakasama ko ngayon. Habang nakakasama ko siya ay buminigat ang nararamdama ko at sa bawat saglit ay naaalala ko ang buhay ko dati.Kaya kailangan kong gumawa ng paraan na mawala siya sa buhay ko pero sa ngayon ay kailangan ko pa siya para mawala si Stephene. Paano bat sabay-sabay silang dumating sa buhay ko kaya mas nagkakagulo ang lahat.
"Ano mam, aalis na po ako." Paalam sa akin ni Ana.
"You can go now." Sagot ko naman at saka niya ako iniwanan..
"Hindi ka pa ba kumakain? Sabay na tayo sa kusina Sam."
Muntik na akong mapatalon sa boses na yun. Nasa likuran ko siya kaya agad ko siyang hinarap.
"Bakit basta--
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng masilayan ko ang kanyang mukha. Muling pumintig ng napakabilis ang puso ko ng maaninag ang ngiti sa kanyang labi.
******
"Ano ba naman to. Bakit ba ang dumi-dumi ng lugar na to at napakaalikabok pa. Hay sayang naman ang ganda pa naman sana at inaabando na nila."
Nililinis ko ang bahay na maari kong tuluyan sumama kasi ako kay Ayla sa palasyo. Ayaw niya kasing mag-isa lalo na at wala pa siyang masyadong nakakilala sa palasyo ng maaasawa niya.
"Ang aga-aga at nililinis mo na ang lugar nato Alena." Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko. Hinanda ko ang isang kahiy na hawak baka isa itong masamang nilalang.
Pero pagkaharap ko ay hindi masamang nilalang ang nakita ko kundi ang napakagandang nilalang.
Ngumiti siya sa akin at bigla nalang akong napahawak sa dibdib dahil biglang bumilis ang tibok ng aking puso."Ako to Alena ang magiging asawa ng iyung kaibigan." Tumino bigla ang isip ko at agad akong lumuhod sa harapan niya.
"Patawad at ako at hindi ko ka kaagad nakilala kamahalan."
"Ano ka ba Alena." Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at inalalayan niya ako sa pagtayo.
Nagtagpo ang aming mga mata inayos niya ang hibla ng aking buhok.Nakamasid lang ako sa kanyang mukha at bawat pagsilay ng kanyang mga ngiti sa labi.
"Ayan, maayos na ang buhok mo." Napalunok ako at muli siyang ngumiti sa akin at naglakad papasok sa bahay.
Nakamasid lang ako sa magandang likuran niya napakakisig nga niya. Tama nga ang lahat na ikinikwento ng aking kaibigan tungkol sa kanya."Masyadong madumi ang lugar nato Alena gusto mong bigyan kita ng maaring tumulong sa paglilinis mo? Tanong niya sa akin sabay harap.
"Naku wag na po kamahalan kaya ko naman po."
"Sigurado ka?" Tanong niya sa akin at muli niya akong nilapitan.
"Tama nga ang sinabi ni Ayla maganda ka nga. Parang gusto ko atang pabantayan ka ng aking mg kawal ng sa ganon wakang makakalapit sayo na sino man."
BINABASA MO ANG
Tomorrow With You
ФэнтезиKinalimutan na niya ang nakaraan, pero bakit kailangan pang bumalik ito. Kung kailan natuto na syang magmahal ng iba. Sino ang pipiliin niya upang makasama hangang bukas makalawa? Ang taong minsan nang sinaktan ang puso niya o ang taong handa siyang...