VIII

176 3 0
                                    

Hindi ko na pinatulan ang pagiging baliw ng lalaking to, napapansin ko ngang nasaktan siya ng naitulak ko.

Sumandal ako ipinikit ko ang aking mga mata. Nakakapagod ang ganitong mga pangyayari sa buhay ko. Ang hirap palang sampalin ng katotohanan na hindi ko sila pwedeng takasan at magkunwaring walang alam.

"Matulog ka muna Sam, gigisingin nalang kita pagdating natin sa bahay."

"Bakit ka ba nandito? Bakit ba sinusundan niyu ako?"

"Ano bang pinagsasabi mo? Matulog ka nalang."

Useless rin naman ang tanong ko sa kaya dahil wala akong mapapala na tamang sagot. Habang tumatagal na nakakasama ko siya ay unti-unti akong namamatay. I need to get rid of him at any cost.

Nakaidlip ako sandali at nagising nalang ako na may bumuhat na sa akin. Dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang maamo niyang mukha. Nanglumo ang aking puso.

"Ibaba mo ako?" Utos ko sa kanya.

Tiningnan niya ako at ngumiti siya sa akin.

"Sabi ko diba may punishment ka sa ginawa mo sa akin kanina?" Tumango ako.

"Sisingilin na kita ngayon."

Ano daw?
Hindi niya ako binaba ay naglakad siya papasok ng bahay. Mahigpit akong yumakap sa kanya hanggang sa....

"Wait! Alisha ano to?" Naibaba ako agad ni Rafael ng may nagsalita. Napatayo ako ng maayos at tiningnan ang babaeng nagsalita. Her voice sounds so familiar to me.

Nang masilan ko siya ay napaatras ako at napatingin kay Rafael. Kita ko na nagulat rin siya at kita ko ang pangungulila ng kanyang mga mata.

"Alisha, hindi mo naman sinabi sa akin na may boyfriend kana pala. Ilang buwan lang tayong hindi nagkita eh." Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. Pero para akong tood na nakatayo lang.
Nang hindi na niya ako niyakap ay panay ngiti lang siya.

"Who are you?" Tanong ni Rafa sa kanya.

"Me? I'm Ally, Alisha best friend. Ikaw sino ka ba sa buhay ng kaibigan ko?"
Tiningnan pa ako ni Rafa yung tingin na nagtatanong kong ano ang isasagot niya sa kanya.

"His my secretary. Kanina ka pa ba dito?"

"Secretary?" Tanong niya sa akin.

"Oo, Rafael naman kinalimutan mo naman ang trabaho mo. Ewan ko sayo halikana nga Ally marami pa tayong pag-uusapan.

Hinawakan ko ang kamay ni Ally at kinaladkad ko papuntang terrace.
Sa dinami-dami ng pwedeng maging kaibigan ay ang kamukha pa talaga ni Alya ang dumating.

"Ang gwapo ng secretary mo ah! Saka karga-karga ka pa niya so Alisha tell me do you like him?" Napapikit ako sa tanong niya at ngumiti ng pilit.

"That's none of your business.
Alam mo kasi na galing ako sa aksidente and because of it there are some things that I forget about me. And that's includes you."

"Totoo nga ang sinabi nila tungkol sayo. Pero bakit hindi mo ako makilala eh ilang taon rin tayong naging magkaibigan."

"Wag na nating pilitin ang lahat Ally. Tanggapin nalang natin.'

"Pero hindi mo parin ako mapipigilan na gawing kaibigan ka Alisha."

"Samantha." Pagtatama ko sa kanya. "Simula ngayon ay Samathan na ang pangalan ko."

"Kung yan ang gusto ko Samantha."

"That's good. Pwede ka nang umalis may aayusin pa rin kasi ako."
Kita ko at pansin kong nasaktan siya sa sinabi ko.
Ayaw kong maulit ang lahat ng nakaraan sa buhay ko.
Kaya dapat mawala na siya.

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon