II

712 12 0
                                    

Asarkian.

"Gising ka na Ina!!!" Di magkamayaw sa tuwa si Aya ng makita niya ang kanyang Ina sa labas ng kanilang bahay.

"Gising na pala itong anak ko. Halika ka nga dito." Nakangiting ani niya sa bata. Nagtatakbo ito palapit sa kanya. Agad niya itong niyakap ng sobrang higpit.

"Ina, hindi mo na ba ako iiwanan ulit? Di ka naba matutulog ng kay tagal?" Inosenteng tanong ng bata sa kanya. Lumuhod naman siya para magkapantay sila ng bata at hinawakan ang magkabilang braso nito.

"Simula sa araw nato ay magkakasama na tayo. At sa susunod pa na araw ay makakasama na natin ang iyong tunay na Ina." Sumilay ang mga ngiti sa labi ng bata.

"Malapit na po ba?" Tanong niya.

"Malapit na, kaya naman kailangan-----

"Kailangan niyu ng alin Hista?" Napatigalgal ito ng makilala ng nagsalita, walang iba kundi ang matagal na nilang tinagatuguan.

"Ranan?" Napatayo siya at agad niyang tinago ang bata sa likuran niya. Sumisilip naman ang batang babae sa dumating.

"Dito lang pala kita mahahanap Hista, ilang taon karing naglaho na parang bula. Ngayon pagbabayaran muna ang lahat ng kasalanan mo." Galit nitong ani. Napahawak ng mahigpit sa damit ng sout ng damit ang batang babae.

"Kasalanan? Anong kasalanan naman ang nagawa ko? Isang pagkakamali na naman ba ang gagawin mo Ranan?"

"Pagkakamali? Oo, nagkakamali nga ako dahil nagtiwala ako sa inyu. Dahil dun ay nawala ang kaisang-isa babaeng mahal ko."

"Mahal mo. Si Alena ba ay minahal mo Ranan. Kung hindi, bakit mo siya pinangakoan? Sana di mo nalang yun ginawa Ranan."

"Siya ang lumapit sa akin!"

"Dahil pinalapit mo siya, gumawa ka ng paraan para lumapit siya sayo!" Napatigalgal ang imortal sa sinabi ng babae. Pero nakabawi na naman ito

"Pasensya kana Hista pero hindi mo ako madadala sa bagay na yan. Tapos na ang lahat kaya magdudusa ang dapat magdusa---

"Sasaktan mo kami? Tulad ng ginawa mo sa mahal kung Ina!!!" Sigaw ng bata. Nasa harapan na siya ng babae.

"Aya, halika dito." Tawag ng babae sa kanya.

"Hindi! Ranan ang pangalan mo? Ibig nong sabihin ikaw ang pumatay sa Ina Alena ko! Kinuha mo siya sa akin!" Sigaw ng bata kasabay nito ay ang pagaapoy ng magkabilang kamay ng bata. Napaatras tuloy ang nagngangalang Ranan.

"Aya, huminahon ka, Aya!!!"

"Hindi!!! Pinatay niya ang Ina ko!!!!" Napatigil nalang ito ng biglang itong natumba buti nalang at agad itong nasalo ng lalaki. Inalalayan din siya ng babae papasok sa bahay nito.
Pinahiga din ito.

"Ipaliwanag mo sa akin ang mga nakita ko Hista."

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo." Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ng babae. Napaingpit ito sa sakit.

"Bitawan mo ako Ranan."

"Kung hindi mo sasagutin ang mga itatanong ko sayo, pati ang batang yan ay isasama ko sa pagpaparusa sa iyo." Ani niya at hindi parin binitawan ang pagkakahawak nito sa braso.

"Pagsisisihan mo ang lahat na gagawin mo Ranan."

"Sino siya Hista, bakit magkatulad kami ng kapangyarihan? Sino siya!!!"

"Sa tingin mo Ranan, bakit nga nakagawa siya ng apoy." Makahulugang ani nito kaya nabitawan kaagad ni Ranan ang braso nito.

"Anak ko siya, anak ko siya kay Alena."

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon