Ranan/ Rafael P.O.V
Nine na ng gabi at wala pa si Alena hindi niya naman sinabi sa akin kung saang lugar siya sinama ng lalaking yun. Hindi ko na rin siya natawagan dahil Naging busy ako kasama si Ally sa paghahanap ng bago niyang bahay. Nang makahanap na kami ay kumain muna kami ng pananghalian.
Nang makabalik na ako sa office ay naging busy naman ako sa paghahanap at pag-iisip ng paraan para mabuksan ang portal. Nang pumasok si Ana at mukhang hindi siya mapakali.
May pinakita siya sa akin na isang larawan.Si Alena kasama ang Michael na yun.
Nagulat ako sa nakita ko at hindi ko mapigilan ang magalit sa nakita ko. Kaya pala siya sumama kaagad sa lalaking yun dahil gusto niya rin. At ngayon ay nakatitig ako sa cellphone ko nang may dumating. Hindi ko na siya pinuntahan pa at dito na ako sa bintana at nakasilip lang ako sa kanila. May pa halik pa sa pisngi ang lalaking yun, lagot ka sa akin Alena.Bumukas na ang pinto ng kwarto namin binuksan niya ang ilaw at kaagad niya akong nakita. Pero tinaasan niya ako ng kilay.
"Can we talk." saad ko sa kanya. Pero tinalikuran niya ako kinuha niya ang bath rub niya at at dumiretso sa banyo namin.
"Samantha!" malakas niyang isinara ang pintuan.
Siya pa ang galit sa akin.
Ilang saglit pa ay lumabas na siya ng banyo, damn ang bango ni Alena. Dumiretso siya sa salamin at inayos ang buhok niya, isinout niya ang undies niya at night dress niya. Ang sexy talaga ni Alena at ganda ng hubog ng kanyang katawan.
Nakaupo na ako sa kama.
"Then we can talk now." ani ko ulit sa kanya.
"Wala ako sa mood na makipag-usap sayo Rafael." lumapit siya at kinuha ang unan niya. "Saan ka pupunta?"
"Sa guest room na ako matutulog. Baka kasi kahit ako ang katabi mo ay iba naman ang iniisip mo."
"Ano bang pinagsasabi mo Sam?"
"Ikaw pa talaga ang pumili ng bagong bahay niya, para saan? Para alam mo kung saan mo siya papupuntahan. Mabuti nalang at hindi itong bahay ko ang binigay mo sa kanya Rafa. Una kasi yung office ko baka isama mo pa itong bahay ko."
"Nakita mo yung picture namin. Hon, wala yun." kaagad ko siyang nilapitan at hinigit papuntan sa akin. Ang dalawang kamay niya ay nasa dibdib ko. Iniiwas niya ang mga mata niya sa akin.
"Kaya pala nai post niya kasi wala lang pala yun? Ang galing mo rin Ano?" tinutulak niya ako pero mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
"Bitawan mo nga ako.""You look so damn hot now Sam. Kaya hindi kita magawang pakawalan." inamoy ko ang buhok niya at nataranta kaagad siya sa ginawa ko.
"Ano ba Rafael!"
"Bakit ang sweet niyu kanina? Nakita ko rin yung larawan niyu?"
"Kami na. Nagkabalikan na kami ni Michael."
"Anong sinabi mo?"
"Yun na ang sinabi ko." pero napangiti nalang ako sa kanya, alam kong magsisinungaling siya sa akin. Masyado na kitang kilala Alena.
"Do you think maniniwala ako sayo?"
"And do you even think na maniniwala rin ako sayo Rafael?" balik niyang tanong sa akin. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at tinitigan niya rin ako. Nakipagsukatan siya ng titig sa akin. Inaakit niya ako sa mga titig niya lalo na ang labi niya.
BINABASA MO ANG
Tomorrow With You
FantasyKinalimutan na niya ang nakaraan, pero bakit kailangan pang bumalik ito. Kung kailan natuto na syang magmahal ng iba. Sino ang pipiliin niya upang makasama hangang bukas makalawa? Ang taong minsan nang sinaktan ang puso niya o ang taong handa siyang...