XVIII

49 2 0
                                    

Ranan/ Rafael P.O.V

Baka schedule na ang pakikipagkita ko sa mga magulang ni Alya. Gusto kong malaman kung bakit magkamukha sila ni Alya. Nang mawala si Alya sa mundo namin ay lumayo na sa amin ang mga magulang niya at hindi na namin sila mahagilap. Sa sinabi ni Rahim na may lumalabas sa Portal na hindi nalalaman ng mga kinauululan, maaring isa sa mga lumabas ang mga magulang ni Alya. Ibig sabihin si Ally ay maaring si Alya, multi siyang naisilang sa mundo na ito.

Kapag nangyari yun ay matutuloy ang pag-iisang dibdib naming dalawa at yun ang magbibigay kapayapaan kaharian ko. Ang makasama ang babaeng pinangakoan ko ng isang pag-iisang dibdib. Hindi lang si Alena ang maibabalik ko kundi ang magiging Reyna ng akong kaharian. Kahit na mas mabigat ang nararamdaman mo kay Alena ay kailangan ko paring sundin ang nakatakda sa amin ni Alya.

Samantala si Stephene ay ang hirap hulihin. Biglang nagbago ang mga nalalaman ko sa kanya. Laman doon na ang isa sa kamag-anak niya ay pinag-aralan si Alena dahil may nalaman siya tungkol kay Alena at ang makakasagot sa mga tanong ko ay si Mr. Agile kaya nandito ako ngayon sa pamamahay niya.

Nandito ako sa opisina sa loob ng bahay niya at hinihintay ko nalang siya ng bumukas ang pinto. Nang makita niya ako ay kaagad siyang yumuko. Ibig sabihin lang non ay kilala na niya ako.

"Maupo kayo kamahalan." alok niya sa akin, sino ba ang matandang ito? Umupo na ako at umupo na rin si Mr Agile.

"Kilala mo ako?" tanong ko sa kanya at ngumiti siya sa akin.

"Ang makapangyarihang bagong Hari ng Asarkian. Ipapakilala ko sayo ang sarili ko kamahalan, ako si Khalim ang kanang kamay ng dating haring Dimitri." pakilala niya sa akin.

"Ibig sabihin mo pa na may alam ka sa nangyayari?"

"Oo kaya makinig ka para malaman mo amg katotohanan Ranan." napatango nalang ako.

"Naalala ko pa ang lahat. Si Alia ang prinsesa ng mg Asarhon at ang Prinsipe ng Asarkian si Dimitri. Nagpakilala sila at naging magkaibigan, unibig ni Alia si Dimitri at dahil si Dimitri may balak na sakupin ang Asarhon ay pina-ibig niya si Alian. Ngunit, may ibang mahal si Dimitri at balak niya na pagkatapos niyang maangkin ang Asarhon ay siya ang tatapos kay Alia at pakakasalan niya ang babaeng minamahal niya at ang babaeng yun ay walang iba kundi ang ina ni Alya ang babaeng minahal mo."

"Ibig sabihin na noon pa ay may koneksyon na ang mga magulang namin?"

"Tama ka, ngunit nalaman ito ni Alia kaya labis ang kanyang galit. Sa kasal nila ni Dimitri ang magiging paraan na magkaayos ang dalawang kaharian kaya lang nagbago ang lahat ng malaman ito ni Alia. Isiniwalat niya sa kanyang mga magulang na hari at Reyna ang balak ni Dimitri kaya pinutol nila ang ugnayan ng dalawa. Ipapakasal si Alia sa ibang lalaki na isang Asarhon, hindi matanggap ni Dimitri ang tungkol sa bagay na ito. Nagbago si Dimitri dahil hindi natuloy ang pag-angkin niya sa kaharian ng Asarhon, kaya nagsimulang mag-aklas ang iyong ama dahil napabayaan niya ang kaharian. Nagawan ng paraan ng iyong ama ang pagpapatalsik kay Dimitri, at nang mawala na sa kanya ang pagiging hari ay iniwana siya ng ina ni Alya. Dahil noon labis ang hinagpis ni Dimitri at pinagsisihan niya ang lahat ng nagawa niya. Binalikan niya si Alia para humingi ng tawad pero tumambad sa kanya ang masayang pagsasama ni Alia at ng asawa niya. Doon napagtanto ni Dimitri na minahal niya si Alia kaya ginawa siya ng paraan na maka-usap si Alia. Nagawa niya iyon at dahil mahal pa ni Alia si Dimitri ay sumama siya nito at naisilang si Alena. Kinamumihian si Alia sa kanyang mga magulang at asawa at pinarusahan siya at si Dimitri ay pinatay ng asawa ni Alia. Si Alena ay pinalaki sa Asarhon pero labis siyang tinakwil ng mga kalahi niya kaya umalis siya at hinanap ang kalahi ng kanyang ama sa Asarkian. Pero wala na siyang nahanap hanggang sa makilala niya si Alya ang iyong kasintahan noon."

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon