Kaagad kong Itinigil ang ginawa ko at bumaba sa lupa. Nagulat ako sa sinabi ni Ally, kaagad siyang Lumapit sa akin at lumuhod sa harapan ko.
"Sam Patawad. Alam mo ba na sa tuwing nakikita kita ay bumibigat ang damdamin ko. Para bang ang laki ng kasalanan ko sayo at hindi mo ako kayang patawarin. Sabi sa akin ni Lola na yung kamukha ko sa mga ninuno namin ay hindi naging mabuting kaibigan sa matalik niyang kaibigan. Sam, Patawad." Kaagad ko siyang hinawakan at pinatayo, hindi ko mapigilan tumulo ang mga luha ko kaya kaagad ko siyang niyakap.
"Isa kang mabuting kaibigan Ally." Ani ko sa kanya. Bumitaw na rin ako kaagad at pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi ko.
"Mabuti kang kaibigan Sam, at alam ko yun. Nakasama na kita, Pero Sam kung totoo ang lahat nang ito ay kailangan kong pakasalan ang asawa mo?"
"His not my husband Ally. Nakatakda kana sa kanya kaya dapat kayo ang magkakatuluyan."
"Pero paano ka? Mahal mo siya diba?" Naputulan ata ako nang diba sa tanong niya at hindi ko siya magawang sagutin.
"You love him, and he also love you Sam. Kahit na itanggi mo sa akin at pipilitin mo na si Michael ang laman ng puso mo pero hindi mo ako maloloko. Kilala na kita Sam." Sinulyapan ko si Ranan mukhang hindi rin makakapagsalita.
"It doesn't matter it anymore Ally." Sagot ko sa kanya.
"Okay wait lang! Alam niyu ako ang maiipit sa niyung dalawa. Hindi ako si Alya, kaya hindi ako ang dapat pakasalan niya." Tinuro niya pa si Ranan. "Nag-usap kayong dalawa nang maayos wag niyu akong isali sa problema niyung dalawa. Tama nga si Rahim mga tanga kayong dalawa."
"Anong Rahim? Sinabi niya na tanga ako?" Hindi ako makapaniwala sa Prinsipe na yun. "Hoy, ikaw Ranan, hindi pa Hari ka at Prinsipe lang si Rahim bakit mo siya hinahayaan na tawaging ka niyang tanga."
"Dahil kapatid ko siya." Tarantado rin ang isang to.
"Makakauwi na ba ako Sam? Ayaw ko na
dito gusto ko nang bumalik.""Hindi ako ang makakapagsabi sa bagay na yan Ally. " binalingan ko si Ranan. "Kung may masasaktan dahil sa aalis ka. May masasaktan Ally. " lumayo na ako sa kanilang dalawa.
Sasaya ako at maging malaya si Ally pero may maiiwang durog ang puso. At si Ranan yun, hindi na ako dapat maki-alam pa sa kanilang dalawa, dahil wala akong karapatan. Umalis na ako sa Villa ni Alya, kailangan ko nang puntahan ang anak ko. Naghanap ako nang lugar na walang mga kawal na nagbabantay. Nang masigurado ko yun ay saka ko Inilabas ang mga pakpak ko. Isa sa mga nakuha kong kakayahan ang magkaroon ng pakpak bilang isang half ba Asarkian at Asarhon. Iginaya ko ang mga mata ko sa paligid at nang lumipad na ako. Pataas nang pataas dahil ito lang ang madadaanan ko palabas ng palasyo. May nakaharang na spell sa boung palasyo kaya mahihirapan akong makalabas at dito sa himpapawid ay hindi nila maabot nang kapangyarihan meron sila.
Dito sa itaas ay makikita ko na ang boung Asarkian, isang mapayapang kaharian. Ang sarap manatili dito sa itaas at pagmasdan sila. Ramdam ko na malaya na ako at ang sarap nang pakiramdam ko na ginagamit ang mga pakpak ko. Ramdam ko na malaya ako habang nasa himpapawid.
"Alena!!!!" Si Ranan, alam na Siguro niya na wala na ako. Wala na akong sinayang ba oras pa, kailangan ko nang makaalis dito. Malayo pa ang liliparin ko pero mas mabilis ito kaysa sumakay nang kabayo.
Makikita ko na ang anak ko at malalaman ko na rin kung nagsasabi nang totoo si Ranan sa akin.
****
BINABASA MO ANG
Tomorrow With You
FantasyKinalimutan na niya ang nakaraan, pero bakit kailangan pang bumalik ito. Kung kailan natuto na syang magmahal ng iba. Sino ang pipiliin niya upang makasama hangang bukas makalawa? Ang taong minsan nang sinaktan ang puso niya o ang taong handa siyang...