XXVI

124 5 3
                                    

Ranan P.O.V

Nasaan na ba si Rahim kanina pa ako naghihintay sa kanya. Natanggap ko na ang minsahe galing sa Reyna ng Asarhon at handa na siyang humarap sa akin.
Nasaan na ba ang Rahim na yun.
Umiinit na ang dugo ko.

"Kamahalan!!! Nandito na ako!" Simula nang dumating dito si Ally ay nagbabago na si Rahim, lagi na siyang sumisigaw at palaging nagagalit.

"Naririnig kita Rahim ngayon sabihin mo sa akin ang gusto mong sabihin?"

"Nakahanda na ang lahat Kamahalan. Aalis na tayo." Yun lang naman ang sasabihin niya hindi niya na kailangang sumigaw.

"Bakit mo ako ikinulong! Sabi ko sasama ako sa inyu!" Nandito na naman siya.

Wala na akong magagawa kundi gawin ko sa kanya ang matagal ko nang gustong gawin sa kanya. Kaagad siyang nawalan ng malay mabuti nalang at kaagad siyang naalalayan ni Rahim.

"Bakit niyu nagawa yun Kamahalan?"

"Bakit hindi mo ginawa sa kanya yun Rahim, nakakabingi na kayong dalawa kaya mas mabuting may tumahimik sa inyu. Tayo na."

Hindi ko alam kung ani ang maghihintay sa akin sa Asarhon pero wala na akong ibang balak pa ang makuha ang mag-ina ko. Sapat na ang kapangyarihan meron ako para harapin ang Reyna ng Asarhon.

"Mukhang pinaghahandaan nila ang pagdating natin Kamahalan. Ang dami nila laban sa atin. Si Alena, Allad, Alia at Hista isama mo pa si Aya."

"Wag kayong mag-alala kasama niyu naman ako." Nakasunod sa amin si Dalia, hinanap ko siya nong nakaraang araw at naka-usap ko naman.

"Buhay kapa pala? Saan ka ba nagtatago?"

"Tumahimik ka Rahim hindi ko kailangan sagutin ang mga tanong mo. Kamahalan,  sino ang makakaaway ko?" Tanong niya sa akin.

"Gusto mo si Allad ang harapin mo o kaya ang Reyna, pumili ka nalang sa dalawa."

"Si Hista ang pipiliin ko Rahim ikaw ang ipapakain ko sa apoy ni Allad. Ang lakas rin ng isang yun pero wag niyu namang saktan siya pwede pa naman natin siyang kausapin, kapatid pa rin natin si Allad." Tama si Dalia pero malaking kasalanan ang pagkampi niya sa mga Asarhon.

"Pero Kamahalan, hindi naman kailangan nating makipaglaban hindi ba? Pwede naman nating kausapin si Alena maintindihan niya rin."

"Maintindihan niya pero paano ang ina niya Rahim, alam mo na na malaki ang galit ng Reyna nila sa atin."

"Yun nga rin."

*****

Alena P.O.V

Nararamdaman ko na sila, paparating na si Ranan at ang mga kasama niya.

"Alena." Tawag sa akin ni Allad.

"Umalis kana Allad ako ang haharap sa kanila." Utos ko sa kanya.

"Kailangan na nating umalis Alena."

"Ano bang pinagsasabi mo?" Hindi ako maaring umalis ngayon, kailangan ko nang harapin si Ranan.

"Si Aya ay nasa panganib. Hinahabol siya nang mga Asarhon dahil sa pinatay mo kanina Alena. Kailangan ka nang anak mo Alena, kaya pumili ka si Aya o ang labanan niyu ni Ranan."

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon