Alena!
"oo, bakit? Walang gana nyang sagot sa babaeng tumawag sa pangalan niya.
"Ay, ang sungit naman di mo ba ako na miss? Tanong nito pero inirapan niya lang.
"Bakit naman kita ma mimiss?" Taas kilay niyang tanong sa babae.
"Ang harsh mo naman." sagot nito at napahawak pa sa kanyang dibdib na akala mo talaga ay nasasaktan. Tumabi ito sa kinauupuan ni Alena.
"Ano na naman yang sinusulat mo? agad niyang tanong.
"Sabi kasi ng matandang babae na may masamang mangyayari sa akin at maari kong makalimutan ang aking sarili." sagot niya at muling nagpatuloy sa pagsusulat.
"Eh, anong kinalaman niyang pagsusulat mo?
"Para pag mangyayari yun maari ko parin maalala ang sarili ko, sa pamamagitan ng mga sulat na ito." sagot niya. Sabay non ang pakatapos niyang pagsusulat.
"Di ka pa ba napapagod sa kalagayan mo ngayon Alena? tanong niya, tiningnan lang siya ng kaibigan niya at ngumiti lang ito sa kanya, alam na nito kung ano ang ibig sabihin ng babaeng matanda sa harapan niya. Nasa 69 years old na ito samantalang siya ay 25 years old palang. Di niya mapigilan ang mapaluha ng makita niya ang mga ngiti sa labi ng kanyang kinilalang matalik na kaibigan.
Wala silang imikang dalawa, hanggang nagsalita si Alena.
"Alam mo na kung ano ang gagawin mo bukas Dianne, magkikita pa naman tayo ulit kaya wag kang mag-alala." mahinahon nitong sambit. At niligpit ang kanyang sinulat.
"Ma mi miss kita, alam mo naman yan diba." saad nito.
"Alam ko, pero kailangang mangyari ang bagay na to kahit walang kasiguraduhan."
"Hindi, magkikita pa tayo , at bukas na bukas hahanapin kita Alena." at niyakap niya agad ang matandang kaibigan.
KINABUKASAN
Napuno ng katahimkan ang malaking bahay, may mga bisita na halata sa mukha nito ang pangungulila at paghihinahang.
Sa loob ng bahay makikita mo ang isang namahingang katawan ng matandang babae sa loob ng kabaong.
"Tuluyan na siyang namahinga, Alena alam kong masaya ka sa kinaroonan mo." saad ng isang babaeng matanda at napaluha na rin ito habang nakamasid sa nakangiting mukha ng matandang babae na nasa kabaong.
Dumating din si Dianne na may dalang bagong silang na sanggol, nagtaka ang mga nadoon kung bakit may dalang sanggol si Dianne. Ngunit di nalang pinansin ni Dianne ang mga taong nandoon agad syang lumapit sa kabaong ng kanyang kaibigan dala-dala ang bata.
"Alena, nagawa ko ang pinagako ko sayo ang mahahanap kita, at pangangalanan bilang Alisha Nicole Samantha ang bagong Alena sa mundong ito." nang masabi nya ang mga salitang iyo agad umiyak ang karga-karga nyang sanggol at napaluha nalang si Dianne at mahigpit na niyakap ang bata.
*********
25 years passed
"Alisha, anak halika ka nga dito." tawag ng isang matandang babae na nasa 50 years old na.
"Bakit mom?" sagot ng isang magandang dilag.
"Bukas na ang kaarawan mo anak, you were turning 25 years old diba?"
''Yes mom, birthday ko bukas kaya dapat----"
"Dapat matulog ka ng maaga anak at bukas pag gising mo ang lahat ng bagay sa mundo ay magbabago anak."
BINABASA MO ANG
Tomorrow With You
FantasíaKinalimutan na niya ang nakaraan, pero bakit kailangan pang bumalik ito. Kung kailan natuto na syang magmahal ng iba. Sino ang pipiliin niya upang makasama hangang bukas makalawa? Ang taong minsan nang sinaktan ang puso niya o ang taong handa siyang...