Nandito siya sa loob nang palasyo namin alam kung siya yun at pilit niyang pinapasok ang isipan ko nang sa ganon ay maka-usap niya ako.
Pero saan pa."Prinsesa Alena, hinahanap kayo nang Kamahalan."
Ano kaya ang kailangan nang aking ina.
Kaagad akong nagtungo sa bulwagan niya, baka dungaw siya sa baba.
"Nandito na po ako Kamahalan." Ani ko, dahan-dahan siyang humarap sa akin.
"Lumapit ka dito Alena." Sumunod ako, nilapitan ko siya. Natanaw ko ang bahagi nang Asarhon at ang mga kawal na naghahanda.
"Bakit sila naghahanda Kamahalan? May balak ba kayong makikidigmaan?" Hindi parin siya nakinig sa akin, malalim na galit parin ang bumalot sa puso ng aking ina.
"Pinahanda ko sila para sa darating ba digmaan. Alena, hindi matatahimik ang mundong ito kung wala ni isa sa amin ang sumuko. Kung hindi ngayon magsisimula ang digmaan Siguro ako na darating parin ang panahon na yun. Kaya mas mabuti pa na ako na ang tatapos sa lahat."
"Pero Kamahalan, malakas ang kaaway natin. Baka sa huli tayo pa ang matalo. Paano na ang mga nasasakupan niyu."
"Hindi tayo matatalo Alena dahil nandito ka at kasama natin ang anak niyu ni Ranan. Magagamit natin siya laban sa kanyang ama." Ano? Anong klaseng nilalang ba ang nasa harapan ko ngayon? Ang anak ko ang gagamitin niya sa digmaan na ito? Kaya ba hindi niya ako niligtas noon?
"Kamahalan may tanong ako sa inyu."
"Ano yun?"
"Nong mga panahon na nasa Asarkian ako ay may alam kayo sa mga nangyayari sa akin ng mga panahon na yun? Lahat nang pinagdaanan ko?" Tanong ko sa kanya, bumuntong huminga muna siya at pakunway na sumilip sa mga kawal at saka niya ako sinagot.
"Alam ko ang lahat."
Tama nga ako.
Alam niya ang lahat at hindi niya man lang ako magawang iligtas sa kapamahakan dahil may masama siyang balak. Si Aya, ang anak ko ang gagamitin niya para sa sarili nitong ama."Kamahalan, anak ko si Aya----
" Isa siyang Asarkian, isa siyang kaaway!!!!!"
"Anak niyu rin ako Kamahalan! Isa rin aking Asarkian. Kaaway niyu rin ba ako?" Umamo ang kanyang mukha.
"Hindi, hindi kita kaayaw dahil anak kita. Pero ang ama nang anak mo, ang Ranan na yun ay ang anak nang nagpahamak sa iyong ama. Ang kumuha nang lahat ba pinaghirapan nang iyong ama Alena."
"Kaya hindi mo kayang tanggapin ang anak ko. Dahil sa ama niya, bakit? Anong kasalanan nang anak ko sa inyu? Kamahalan, wag niyung isali ang anak ko sa laban na gusto mong ipanalo hindi kita Hahayaan kahit na Ina pa kita." Isang babala yun para sa sarili kong ina. Kahit na isang Asarkian ang ama niya ay anak ko pa rin siya at hindi ko siya Ipagpapalit sa isang malaking paghihiganti.
"Dahil sa Asarkian na yun ay naging Ganyan kana. Wala kang ibang iniisip kundi ang kapakanan nang labi nang mga Asarkian. Hindi kita pinalaki nang Ganyan Alena, pinalaki kita na----
" Na may poot at galit sa labi nang aking ama. Kung hindi ko pa nalaman noon na isa akong Asarkian ay matagal ko nang pinatay silang lahat . Naging Ganyan rin kayo dahil sa mga Asarkian kaya pareho lang tayo Ina."
BINABASA MO ANG
Tomorrow With You
FantasyKinalimutan na niya ang nakaraan, pero bakit kailangan pang bumalik ito. Kung kailan natuto na syang magmahal ng iba. Sino ang pipiliin niya upang makasama hangang bukas makalawa? Ang taong minsan nang sinaktan ang puso niya o ang taong handa siyang...