Ranan / Rafael P.O.V
Nauna na akong bumaba dahil ka gigising lang ni Alena. Masamang panaginip, ano kaya ang napanaginipan niya?
"Kamahalan." Si Rahim, ano kaya ang ibabalita niya sa akin.
"Anong balita?" agarang tanong ko sa kanya.
"May narinig ako sa usapan ni Hista at Aya, ani ni Aya na malapit nang babalik ang kanyang ina. Kukunin siya nito at isasama sa pag-alis. Kaya kamahalan kailan kayo makakabalik dito?"
"Si Stephene ang kamukha ng kapatid natin si Allad. Siya ang isa sa mga paraan para muli kong mabuksan ang portal. Alam ko na kahit kamukha lang siya ni Allad ramdam ko na nananalantay sa dugo niya ang pagiging Asarkian kaya may kakayahan siyang mabuksan ito."
"Kung ganon kamahalan at kailangan mo nang bilisan Ilang araw nalang ang palugit ng Reyna ng mga Asarhon para maibalik ang anak niya. Kapag hindi natin siya maibigay ay hindi raw natin malalaman kung ano ang binabalak niya. Kamahalan, Ikaw ang kailangan namin."
"Gagawan ko ng paraan ito Rahim basta alagaan mo ang anak namin ni Alena. Malapit na ang pagbabalik namin ni Alena sa Asarkian."
"Opo kamahalan."
Kaagad kong pinutol ang pag-uusap namin ni Rahim dahil pababa na si Alena. Umupo na ako sa hapagkainan namin ng makita ko ang sout ni Alena.
Naka itim siya lahat , Isang maitim na tube dress ang sout niya at hindi nakalugay ang buhok niya. Kaya nakikita ang batok at dibdib niya mukhang hindi ko nagustuhan ang pinaggagawa ko. Mahaba rin ang sapatos na sout niya at ang aura niya ay biglang nagbago.
"May lakad kaba ngayon?" agarang tanong ko sa kanya.
"Oo aaaikusuhin ko ang offer ng mga magulang ni Michael, maganda kasi yung business na sinabi nila kaya makikipagkita ako ngayon kay Michael para pag-uusapan pa ang Ilang mahahalang bagay. Bago ko ito ipapaalam sa board para sa approval nila." sagot niya sa akin saka siya umupo at napatingin sa mga pagkain na nakahain sa mesa.
"Manang gusto ko ng coffee wag itong milk masakit ang sikmura ko." agarang ani niya sa kay Manang nang biglang nagmamadali si Manang sa utos ni Alena sa kanya.
"Hey, ayos ka lang ba?" mukhang hindi maganda ang mood ng asawa ko ngayon.
"Yeah, I'm freaking fine. Saka nga pala Rafa ihanda mo nalang ang bagong opisina ko. Hindi ako makakapagsalita concentrate sa pagtratrabaho ko kapag may kasama ako sa opisina. And regarding to our marriage, I think we take some time for it." diretsong ani niya sa akin na napatingin sa mga mata ko. Para bang sinusuri niya ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. May nagbago kay Alena biglang bumalik ang Alena na nakilala ko nang unang pagkikita namin sa mundong ito.
"Sam, hindi maganda ang pag-usapan natin ang tungkol sa kasal sa harapan ng pagkain Sam."
"Fine, after this breakfast." hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Malakas kong nilagay ang kutsara sa mesa kaya lumikha ito ng tunog.
"Ano ba Sam. Hindi mo paba ako mapapatawad sa nagawa ko kahapon? Sam naman, akala ko ba na maayos na tayo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/135285463-288-k649197.jpg)
BINABASA MO ANG
Tomorrow With You
FantasiKinalimutan na niya ang nakaraan, pero bakit kailangan pang bumalik ito. Kung kailan natuto na syang magmahal ng iba. Sino ang pipiliin niya upang makasama hangang bukas makalawa? Ang taong minsan nang sinaktan ang puso niya o ang taong handa siyang...