XX

30 1 0
                                    

Alena P.O.V

Seeing him na karga-karga si Ally ay nadudurog ang puso ko. Sana noon pa ay pinatay ko si Ally ng sa ganon ay hindi na niya ako magawang saktan ng ganito.

"Mabuti naman at nakarating kaagad kayo. Oh, bakit walang malay yan?" Hindi pa niya sinabi kay Ally ang tungkol sa nakaraang buhay niya. Kapag nalaman mo Ally na pinatay kita noon ay ano ang gagawin mo sa akin?

"Sa Asarkian ko na ipapaliwanag sa kanya ang lahat."

"Fine." Nauna na ako sa kanila at hinintay ko nalang siya sa tabi ko nang naramdaman mo ang malakas na enerhiya na galing sa malaking puno. Walang mortal ang makakakita sa amin.

"Anong problema?" I was about to touch the tree pero napaatras ako at napahawak sa dibdib ko and I feel the pain again. The pain that I suffered for all the time.

"I can't do this. I can't."

"Ano ba Alena! Gawin mo na!"

"Can't you see! Hindi ko kaya, hindi ko kaya Ranan. Lahat bumabalik sa akin, lahat ng bagay." Sagot ko sa kanya at napalingo-lingo nalang ako. Hindi ko kaya, kapag nahawakan ko ang portal ay muli ko na namang naramdaman ang lahat-lahat. Hindi na naman ako makakatulog. Parusang walang katapusan.

"Damn it! Just open the portal Alena." Galit niyang utos sa akin pero nagpatuloy ako sa pag-atras.

"Wag mo siyang pilitin Kamahalan." I froze when I heard his voice. Si Rahim lumabas siya sa portal. Ang laki ng pagbabago niya pero kilala ko ang boses niya. "Tayo na Kamahalan, sandali nalang at sasarado na ang portal."

"Rahim, ang tagal nang panahon na hindi kita nakita. " ani ko at kunting hakbang pa atras ay hindi ko na sila makikita. Dahil mapapalibotan na sila sa portal at babalik na sila sa Asarkian."Salamat Rahim at nailigtas mo ako. Malaking utang na loob ko sayo." Pasalamat ko sa kanya.

"Alena wag!!!!"

And as I step out, ay isang malakas na hangin ang tumulak sa akin sa tabi ng sasakyan ko. Napatingin ako sa paligid at wala na ang sasakyan ni Rafa at si Ally. Kasabay non, ay mabubura sila sa alaala ng mga mortal. Magiging maayos na ang lahat at si Michael, ang lahat ng mga tao.

Mawawala ang lahat ng alaala nila na kasama si Rafa at Ally. Wala na siya, napasandal ako sa sasakyan ko. Kasama non ang pagtulo ng mga luha ko kasabay ang pag-iyak ng langit. Lumumuha sila para sa akin dahil nararamdaman nila ang sakit na nararamdaman ko.

"Sana maging masaya na kayo. Dahil ako, pipilitin ko ang sarili ko na maging masaya. Kaya ko naman yun eh, kayang-kaya ko."

Tama na ang drama Alena, basang-basa na rin ako. Kinuha ko ang susi at sumakay na sa kotse ko.
Kailangan ko mag stay sa malamig na tubig. Bumalik na ang lahat.

Ang hindi ko lang alam kong ano ang bubungad sa akin bukas.

Pagkarating ko sa bahay ay wala na ngang maalala si Manang kay Ranan.

"Ano kabang bata ta. Bakit ang ka nagkaganyan?"

"Nasiraan kasi ako kanina sa daan Manang ako na rin ang nag-ayos sa sasakyan ko."

"Pumunta kana sa kwarto mo at nang makabihis kana. Baka magkasakit kapag ng dahil diyan."

"Opo Manang."

*****

Kinabukasan.

Maaga akong nagising, kahit ang kwarto ko ay wala na ang alaala niya maliban nalang ang natira sa isip ko na mga alaala niya. Kinuha ko ang phone ko saka ko nakita ang ilang missed call Michael.

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon