Rahim P.O.V
"Bago natin bawiin ang mag-ina mo Rafael sa bruha niyang ina ay kailangan natin nang maayos na plano. Ikaw pa Rahim anong nasa isip mo?" Ang babaeng ito talaga. Hindi marunong rumispeto. Malayong malayo kay Alya.
"Wala akong naiisip. Ikaw may naiisip ka rin ba? O baka naman yung kaibigan mo sa mundo niyu na si Flash ay may naiisip." Sagot ko sa kanya.
"Ang sungit mo naman. Eh bakit nga ba hindi nalang natin puntahan si best friend at sabihin sa kanya na kailangan niyang bumalik dito. Alam mo Rafael, ikaw ang dapat gumawa nito puntahan mo siya at sabihin mo sa kanya na mahal mo siya at kailangan mo siya sa buhay mo."
"Ally, magkaiba ang mundo namin sa mundo niyu. Napakadali lang sa inyu ang bagay na ito Pero dito sa mundo namin buhay nang mga nasasakupan ko ang nakataya." Tama ang kapatid kong Hari.
"Narinig mo na Alya, mas mahalaga dito ang buhay nang nasasakupan mo kaysa nararamdaman mo." Dagdag ko pa nang maintindihan na nang babaeng ito ang problema namin ng kapatid kong Hari.
"Eh duwag ka pala! Isa kang malaking duwag Rafael. Akala ko talaga mahal mo ang kaibigan ko kaya kung ganon ka nalang magalit kay Michael pero ang totoo isa kang duwag." Ayaw na niyang tumigil.
"Ibalik ko nalang kaya siya sa mundo niya kapatid?" Mungkahi ko kay Ranan dahil nakakasakit na siya sa ulo.
"No way! Hindi ako babalik sa mundo namin kapag hindi magiging maayos si Samantha at itong si Rafael."
"Ibig sabihin mananatili ka dito habang buhay. Naku mamatay ako Dahil sayo."
"Kaya nga gamitin mo yang utak mo! Prinsipe ka diba kaya mag-isip ka!"
"Maari bang iwanan niyu muna akong dalawa. Hindi ako makakapag-isip nang maayos dahil sa ingay niyu."
"Masusunod Kamahalan." Hinablot ko ba ang kamay ni Alya nang may maalala ako.
"Tama may naiisip na ako Ranan! Naalala ko yung usapan ni Ama at nang pinakamatandang nilalang sa mundo natin. Na kung may isa pang paraan para mas lumakas ka." Masayang ani ko kay kapatid.
"Anong nalaman mo?" Agarang tanong niya sa akin.
"Naalala mo ang mahiwagang kahon na nabasag ni Alena noon na ikinagalit ni Ina. Kasi yun ang mamagamit natin. Ang kahon na yun ay doon mo ilalagay ang dugo mo at dugo nitong kamukha ni Alya at makakamit mo na ang kapangyarihan nararapat sayo."
"Bakit ngayon mo lang sinabi yan Rahim! Sana noon pa dahil handa akong mag donate nang dugo ko!!"
"Bakit ikaw pa ang may ganang magalit sa akin?"
"Dahil ang tanga mo!!!"
"Tama na yan. Sumasakit ang ulo ko sa inyung dalawa. Rahim, nasaan na ang sinasabi mong kahon."
Yun nga lang."Yun ang problema natin Kamahalan, nasira kaya yun nabasag yun ni Alena pero inayos ko naman pero hindi ako sigurado na gagana yun."
"Kahit kailan talaga Rahim hindi ka matinong mag-isip."
"Aba, mas Mabuti nalang at may naiisip ako kaysa sayo na daldal kalang nang daldal diyan. Wala ka namang maitutulong dito."
BINABASA MO ANG
Tomorrow With You
FantasiKinalimutan na niya ang nakaraan, pero bakit kailangan pang bumalik ito. Kung kailan natuto na syang magmahal ng iba. Sino ang pipiliin niya upang makasama hangang bukas makalawa? Ang taong minsan nang sinaktan ang puso niya o ang taong handa siyang...