"Anong ginagawa mo dito?" Pinilit kong bawiin ang kamay ko na hawak-hawak niya.
"Anong binalak mo?"
"Wala ka nang pakiaalam sa kung ano ang gusto kong gawin sa buhay o Rafael!" Diin kong ani sa kanya.
"Asawa mo ako kaya may karapatan ako Samantha." Mas diin pa niyang sinabi sa akin.
"Anong asawa? Diba fake lahat ng kung anong meron tayo." Ani ko sa kanya.
"Eh mag pakasal tayo ano ngayon na." Halos kaladkarin niya ako palabas ng restaurant. Gusto ko siyang itulak dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Walang hiya talaga ang lalaking to paano ba niya ako natuntun?Binuksan niya ang pintuan ng kanyang sasakyan.
"Pasok." Utos niya sa akin.
"May sarili akong sasakyan Rafa kaya pabayaan mo na ako."
"Nang magawa mo ang gusto mo? Sumakay kana dito Samantha kung ayaw mong magalit ako sayo ng tuluyan"
"Tinakot mo ba ako?"
"Ano sa tingin mo?"
"Okay fine sasabay na ako sayo." Daliang ani ko sa kanya at yun nga sumakay nalang ako sa kotse niya.
"Ipapakuha ko nalang kay manong ang kotse mo, ang mahalaga ay maiuwi kita."
"Ano ba talaga ang sadya mo sa akin Rafael?" Tanong ko sa kany an at pinahinaan niya ang takbo ng kotse niya.
"Niligtas mo ako at binabayaran ko lang yun ngayon Samantha."
"Alam mo bang may kakilala ako na kamukha mo." Simula kong ani siguro naman ay maayos lang na may masabihan ako sa nararamdaman ko ngayon.
Hindi naman siya si Ranan at lalong hindi ako umaasa na siya si Ranan. Kilala ko siya hindi niya ako pagaaksayahan ng oras.
"Siya ang kauna-unang lalaking minahal ko Rafa, siya ang naging dahilan kung bakit ako nangarap. Pero may hadlang sa aming dalawa at ang pagsasama naming yun ay walang naidulot na tama. Ng dahil sa kanya ay namatay ang anak ko ng dahil sa kanya ay nagdudusa ako haggang ngayon."
"Siya ba ang naging ama ng anak mo?" Nakatuon ang mga mata ko sa daanan ng itanong niya yun.
"Kung siya man ang naging Ama ng aking anak ay paniguradong hindi niya ito papatayin pero ginawa pa rin niya. Pinatay niya ang sarili niyang anak at pati narin ang kapatid niya, Rafa."
"Alam ba niya na may anak kayo?"
"Kahit na malaman niyang may anak siya sa akin ay ganon parin ang gagawin niya. Hindi niya kami pipiliin."
"Sana sinabi mo Samantha!!!" Napatingin ako sa kanya.
Bakit siya nagagalit sa akin?"Bakit ka ba nagagalit?"
"Diba sabi mo kamukha ko siya? Kasi kung ako ang nasa lugar niya ay handa kitang pakikinggan."
"Kahit na ako ang dahilan na namatay ang babaeng pinakamamahal mo? Rafa alam kong gagawin mo rin ang ginawa niya. Dahil nasaktan ka."
"Samantha?"
"Kaya ko ginagawa na malayo ka sa akin dahil sa tuwing nakikita kita ay naaalala ko ang lahat Rafa. Ang lahat ng sakit at pangungulila sa anak ko."
"Kung hihingi ba siya ng tawad sayo ay pagbibigyan mo?"
"Hindi! At kung magkikita kami ulit ay pagbabayarin ko siya sa lahat ng kasalanan niya sa akin."
BINABASA MO ANG
Tomorrow With You
FantasyKinalimutan na niya ang nakaraan, pero bakit kailangan pang bumalik ito. Kung kailan natuto na syang magmahal ng iba. Sino ang pipiliin niya upang makasama hangang bukas makalawa? Ang taong minsan nang sinaktan ang puso niya o ang taong handa siyang...