XXII

29 2 0
                                    

It's really hard to explain everything to someone that you love. Inaamin ko naman na minahal ko si Michael kahit na si Samantha pa ang nakilala niya nong una sa ngalan na ang puso ko ay pinili siyang mahalin ay naintindihan ko. Kaya kahit na ako na si Alena at ang laman ng puso ko ang si Ranan ay hindi ko pwedeng saktan si Michael, his a good man for me.

At kahit na mahirap Magsinungaling sa ka kanya ay nagawa ko nang sa ganon ay magaan ang loob ko na sumama kay Ranan para makita ang anak ko. Kung maniniwala ako sa sinabi mo Rana sa akin ay hindi pa ako one hundred percent na naniniwala. Kaya lang ako sasama sa kanya ay para kausapin ang aking Ina na gawin akong mortal may kakayahan siyang gawin yun. Wala na ang anak ko, hawak-hawak ko siya noon at wala siyang buhay, patay na siya.

"Handa kana bang bumalik Alena?" Huminga ako ng malalim at lumapit sa portal at kaagad naman itong umilaw. Para sa katotohanan at sa kalayaan na inaasam ko.

Hinawakan ko na ito at ipinikit ko ang mga mata ko. Makakaya ko ito, makakaya ko.

****

Ranan P.O.V

Pikit mata niyang hinawakan ang portal nilapitan ko siya. Saka ko hinawakan ang isang kamay niya, ito ang bilin sa akin ni Rahim na kailangan kong tulungan si Alena kapag binuksan na niya ang portal.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Napahigpit ang hawak niya sa kamay ko at kasabay noon ang makita ko na yakap-yakap niya ang isang sanggol na nakabalot sa maitim na tela. Umiiyak siya, nakikita kong umiiyak siya pero hindi ko naririnig ang boses niya. Nilagay niya ang bata sa isang damuhan nilapitan ko sila at nakita ko na walang buhay ang sanggol.
Lumayo siya nito at may mga kasal na kumuha sa kanya.  

Siya ba ang anak namin?
Nakatitig lang ako sa walang buhay na sanggol. Pero, bigla itong huminga at umiyak nang malakas.

Siya nga ang anak namin.

Nang may dumating na isang babae si Hista. Kaagad niyang nilapitan ang sanggol at saka niya ito kinuha.

"Aya, yun ang iniwang pangalan ng iyong ina. Pero kailangan muna kitang iligtas sa lugar na ito." Siya ang nakapulot sa anak namin ni Alena. Idinilat ko ang mga mata ko pero nakapikit parin si Alena at nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya.

Kaya ka ba hindi lumaban noon Alena inakala mo na patay na ang anak natin. Kaya pumayag ka na gawin ko yun sayo dahil nawalan kana ng halaga para mabuhay. Ang bilis mo namang sumuko.
Tuluyan nang bumukas ang pintuan ng portal nang biglang natumba si Alena mabuti nalang at kaagad ko siyang nasalo.

"Kamahalan, kailangan niyu nang pumasok." Binuhat ko si Alena at pumasok na kami sa portal.

"Nandito na tayo, Alena." Bulong ko sa kanya pero hindi pa siya nagising. "Malinis ba ang silid ko Rahim?"

"Ano? Ahh, Oo malinis naman." Binuhat ko parin siya at dinala sa silid ko at hiniga ko siya sa kama. Lumabas muna ako at nag-utos para kunan ng damit si Alena na maisusuot niya nang Maayos saka ko siya binalikan sa loob ng silid ko. Inayos ko ang buhok niya na nakaharang sa mukha niya.

Nagkamali ako Alena at sana magawa mo pang patawarin ako sa mga nagawa kong kasalanan sayo.
At sana bigyan mo pa ako nang pagkakataon na makabawi sayo Alena.

May kumatok at pumasok ang isang babae na may dalang damit na inutos ko.
Lumapit siya sa amin.

"Kamahalan nandito na po ang initos niyu." Nilapag niya sa kama ang damit nang masilip niya si Alena at bigla siyang napaatras at napatuptop sa kanyang bibig.

"Umalis kana, ako na ang magbibihis sa kanya." Kaagad kong utos sa kanya at sigurado ako na kakalat ang balita sa pagbabalik ni Alena dito sa Asarkian.

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon