Wish Ten : Protective Bestfriend

197 8 2
                                    

I wish I'll be able to handle another heartbreak...

Santina's POV

"Sinong kadate mo sa ball? Bukas na yun ah." Tanong ni Ken habang magkaharap kaming kumakain ng gawa ni Mama na pancake dito sa bahay namin.

Umiling ako at sumubo ulit ng pancake.

"Wala, may kapartner ka na eh." Turan ko. Hindi ko naman sinasadyang magtunog-nagtatampo pero mukang yun yung dating nun sa kanya kasi nagbigay nanaman siya ng nakakaasar na komento.

"So, tampo ka na niyan bestfriend?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Pang-asar yung tingin at yung ngiti niya, sarap tusukin ng mga mata eh.

Inirapan ko siya.

"Syempre hindi. Sino ka ba para magtampo ako sayo?" Balik asar ko naman sa kanya.

"Aray, medyo masakit yung atake ha. Wag naman ganun, bestfriend." Humawak pa sa dibdib niya yung gagu.

Umirap lang ulit ako at bumalik nalang sa kinakain ko.

"Actually, may mga nagpaalam sa akin na aayain ka daw maging partner sa ball. Pero hindi ako pumayag. Ayoko ngang kung kani-kanino ka lang maipares sa ball." Aniya kaya natigilan ako.

I looked at him, eyebrows meeting, forehead creased.

"Ano? Bakit hindi mo pinayagan?" Tumaas yung boses ko. Nagulat naman siya at nagtatakang tumingin sa akin.

"Kasi nga, ayaw kong kung sino-sino lang maging partner mo sa ball. Tss, ligawan ka pa ng mga yun eh." He answered me, nagtataka pa din ang mukha.

Inirapan ko siya.

"And so? Hindi naman ikaw yun eh. Isa pa, ang unfair naman nung may partner ka na sa ball, may lovelife ka pa even after the event tapos ako zero? Huy, palayain mo nanaman ako Kuya." Turan ko ulit, nakakunot pa din ang noo.

"Hoy! Anong Kuya? Bestfriend mo ako, hindi kapatid! Tigil-tigilan mo 'ko ha. Tsk. Chaca, yang inirereklamo mo, napakaunreasonable. I am just protecting you kaya ayaw kong may makapartner ka sa ball. Hindi naman natin alam kung anong mga tunay nilang intensiyon sayo eh." At kumain na ulit siya habang inis na inis naman ako sa kanya.

"Paano nga natin malalaman kung di pa nga nakakalapit sa akin, pinigilan mo na kaagad? Tsk. Nakakainis naman eh!" Turan ko saka sunod-sunod na sumubo ng pancake. Naiinis talaga ako sa kanya ngayon eh.

"Hihintayin mo pa ba talagang may mangyaring masama sayo bago ka matuto? Eto na nga oh, pinoprotektahan na kita. Magpasalamat ka nalang." Aniya, naiinis na din ang tono.

"Ah talaga ba?"

"Oo!"

"Edi thank you! Inagawan mo lang naman ako ng karapatan na magkaroon ng kadate sa ball! Tsk. Bahala ka diyan, ubusin mo yan mag-isa mo." Turan ko ulit at tumayo na saka pumunta sa sala. Kinuha ko nalang yung remote ng TV at piniling manood ng kung ano. Wala ako sa mood kaya kahit anong channel ang napagbuksan ko wala na akong pakialam.

I just kept on watching until I felt him sat beside me. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy lang sa panonood.

Inagaw niya yung remote sa akin, hinayaan ko nalang. Hindi ko din naman siya papansinin eh. Bahala siya diyan.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon