Santina's POV
"Always take care of yourself, okay? Bumalik kayo dito in three weeks for your follow up check up. O kapag hindi naging maganda ang pakiramdam mo, you immediately come here, okay?" Pagbibilin ng Doktor sa akin.
Tumango ako at ngumiti. Finally, makakalabas na din ako ng ospital. Napractice ko na din ulit ang paglalakad ko at mabilis naman akong makarecover kaya okay na talaga ako.
"Thank you Doc." Pagpapasalamat ko. Nagpasalamat na din sina Mama at Papa. Pagkatapos nun ay umalis na din kami ng ospital.
Napapangiti ako habang nakatingin sa tanawin sa labas ng ospital. Finally, I am free again!
"Namiss mo ba 'to anak?" Tanong sa akin ni Mama habang nasa sasakyan kami.
"Sobra po, Ma. Grabe, ang tagal ko sa ospital. Siguradong marami nang nagbago." Sagot ko sa kanya.
"Hindi din naman masiyado. Basta, nagpapasalamat nalang ako na okay ka na." Aniya.
Ngumiti ako.
"Opo. Thank you po sa pag-aalaga sa akin, Mama, Papa. Thank you sa pagbabantay ninyo sa akin kapag wala sina Mama, Cleo at Princess." Turan ko sa pamilya ko.
"Oo naman anak. Ikaw kaya ang panganay namin. Saka kahit naman hindi kasi mahal na mahal ka namin. Lagi lang kaming andito para sayo, tandaan mo yan. Ha?" Si Papa ang nagsalita habang nagmamaneho.
Tumango ako at nginitian si Papa.
"Thanks Pa." Turan ko.
"Syempre Ate. Mahal ka namin eh."
"Naks. Mahal daw oh. Baka naman gusto mo lang akong bawian kapag may trabaho na ako?" Biro ko.
"Pwede naman, Ate. Nasayo naman ang desisyon." Ani Cleo at tumawa na din.
Tumawa nalang din ako.
"I love you Ate." Turan ni Princess.
I reached for her and hugged her tight.
"I love you too, bunso." I said.
And we all drove home happily.
***
"Okay, so we're here naaa! Oh, dahan-dahan nak ha. Baka mabinat ka." Turan ni Mama habang inaalalayan ako pababa ng kotse.
"Naku, Ma. Ayos na po ako. Wag na po kayong mag-alala." Natatawang turan ko.
"Naku hindi. Aalalayan kita." Aniya. Hay naku, makulit talaga si Mama.
Nung makababa na kami, nagulat ako kasi nakita ko si Liam sa labas ng bahay. Nandito pala siya? Bakit hindi nalang siya dumaan sa ospital?
"Oh. Liam. Andito ka pala. Bakit hindi ka nalang dumaan sa ospital kanina?" Tanong ko.
He smiled at me. Pero bakit pakiramdam ko may mali sa ngiti niya?
"Dumeretso na ako dito para maipagluto kita. Pinayagan naman ako nina Tita eh." He answered.
Tumango ako.