Santina's POV
Nagising ako na puting kisame ang sumalubong sa akin. Teka, nasaan ako?
I tried to look around the place but white walls and white environment is all I can see. Sinubukan ko ring igalaw ang katawan ko pero bakit hindi ko magawa?
Napatingin ako sa pinto nung biglang bumukas iyon. Nasaan ba talaga ako ngayon?
"Ate?" Si Cleo iyon ah. I tried to say something but I couldn't even move my mouth. Anong nangyayari sa akin?
"Ate gising ka na!" Umiyak na siya at biglang lumapit sa akin. Ha? Ano daw?
He cupped my face and said something again. "Tatawagin ko lang po ang mga doktor saka sina Mama, Ate. Dito lang po muna kayo." Aniya.
Hindi ako tumango o umiling kasi hindi ko din naman maigalaw ang mukha o katawan ko. Umalis na din siya. I tried examining myself para malaman ko kung nasaan ako at kung anong nangyayari sa akin but it was all to no avail.
Maya-maya pa, bumukas na ulit yung pinto at sunod-sunod na pumasok ang mga taong nakasuot ng puting roba. Kasunod din nila si Cleo. Are these doctors? Pero bakit may mga doctor dito? Nasaan ba ako ngayon?
They examined me and I just remained silent. May sinabi sila kay Cleo nung matapos akong icheck at pagkatapos ay lumabas na din sila.
Umupo naman si Cleo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"Buti nalang nagising ka na, Ate. Akala namin hindi ka na babalik eh. Iyak ng iyak si Mama araw-araw. Kakauwi nga lang nun ngayon eh. Buti nalang andiyan si Papa para pagaanin ang loob niya." Aniya.
Teka, ano daw? Nagising? Pero kakagaling ko lang sa school kanina, hindi ba? I.... broke up with Ken. I gave way for Sabrina and him.
"Dumaan si Kuya Ken kanina Ate. Kasama niya nga si Sabrina eh. Buti nalang wala sina Mama kasi baka napalayas na yun kung nagkataon. Galit na galit sila ni Papa sa kanya." Kwento pa ulit ni Cleo. Ano daw? Alam na agad nina Mama ang nangyari?
"Teka pala Ate. Nagugutom ka ba? May prutas dito, baka gusto mong kumain. Naku naman Cleo, ito pa talaga ang nakalimutan mo." Tumayo siya at agad na nagbalat ng orange at apple para sa akin. Nung matapos yun, siya na mismo ang nagpakain sa akin. And because I can't move my mouth, hindi na din ako umangal.
Maya-maya pa, dumating na din sina Mama, Papa, at Princess. Mama came running to me and hugged me so tight. Pagkatapos nun, sina Papa at Princess naman din ang yumakap sa akin.
"Maraming salamat at nagising ka na din anak!" Saad ni Mama. Tumango lang ako at ngumiti kahit na hindi ko pa din naman naiintindihan kung ano ang nangyayari ngayon.
"Fighter naman ang anak natin, Ma eh. Alam kong magigising din siya." Turan ni Papa. Ngumiti ako.
Lumapit naman sa akin si Princess. Dahil medyo hindi pa siya matangkad, tumayo si Cleo at itinuntong siya sa upuan.
"Ate, alam mo ba, ginawan kita ng scrapbook. Dalawang buwan ka kasing tulog eh. Kaya sabi ko ipapakita ko nalang sayo ang scrapbook na ginawa ko kapag nagising ka na. Tignan mo 'to, Ate." She flipped the pages of her scrapbook for me and it was full of designs and photos of mine. Pero nagulat at nagtaka ako kasi nasa ospital ako at mukang tulog na tulog sa mga litratong iyon. Isang patunay ng mga sinabi ni Princess kanina na dalawang buwan daw akong tulog.