Santina's POV
Walang imik si Liam habang nasa bangka kami pabalik sa resort. Syempre, sino ba naman kasi ang matutuwa sa nakita niya kanina? Ako na fiancé niya ay nakayakap sa lalaking minahal ko ng sobra dati.
Liam has his insecurities. Dapat siguro pumayag nalang ako sa suggestion ni Ken kagabi na maghanap siya ng ibang mahihigaan. Goodness, Santina. Kung bakit naman kasi pinairal mo yang pag-aalala mo.
In times when it's not needed. Hayst.
I looked at him and intertwined our fingers together. He gave me glance and did not even bother to talk. He's not okay, I can sense it.
Sumandal ako sa balikat niya. Sana pakinggan niya ako ng maigi mamaya.
Hindi lang ulit siya kumibo hanggang sa makarating na kami sa resort. Sinalubong agad kami ng mga kaibigan namin.
"Santina! Oh my gosh, thank God you're safe!" Deina said and hugged me kahit basa pa ako.
Ngumiti lang ako at tinapik ng bahagya yung balikat niya. Kumalas na din naman siya sa yakap.
"Santina, goodness. You made us all worried! Hindi ka man lang nagpaalam kahapon!" Agad na turan din naman ni Leian nung makalapit sa akin.
"I'm sorry, guys. May paliwanag naman ako." Turan ko at napatingin saglit sa gawi ni Ken na tinanguan lang ako bago maglakad papalayo. Naiinis ako kasi ganito na siya itrato ng barkada ngayon. Mula nung magcollege kami, hindi na nila pinansin si Ken at parang si Liam na yung parte ng barkada mula pagkabata. He already feel so unwelcome in the squad which is hindi dapat kasi kasama naman namin siya simula pa noon. Their reason is, tinalikuran na din daw kami ni Ken mula nung magkaron ng Sabrina.
Paano yan ngayong break na sila? Tatanggapin na ba nila siya ulit o hindi pa rin? Hindi na ba kahit kailan?
Hayst. That shouldn't be the case.
"You should rest, Santina. Halikana sa kwarto." Diana said.
Tumango ako. Linapitan pa ako nung boys at kinumusta. I just told them that I'm okay and they said they'll just talk to Liam for a while. Tumango nalang ulit ako dahil sigurado namang kakausapin din ako ng tatlong 'to.
Dumeretso na kami sa kwarto namin at nagpalit na muna ako. I sat on my bed while drying my hair and the girls started to ask me questions.
"Bakit ka umalis ng hindi nagpapaalam?"
"Bakit magkasama kayo ni Ken?"
"Bakit parang badtrip si Liam?"
"Nagleave si Sabrina sa group chat natin. Alam mo ba ang dahilan kung bakit?"
"Nakita kong umalis ng resort si Sabrina kahapon. Baka alam mo kung bakit?"
"Okay na ba kayo ni Ken?"
"Anong ginawa ninyo doon?"
"Wala namang realizations sayo, hindi ba?"
I rolled my eyes and turned the blower off. Tinanggal ko na din yung pagkakasaksak nun at saka sila hinarap.
"I'll answer your questions. Just take it easy, okay?" I told them because they really bombarded me with their endless questions! Goodness!