Wish Thirty-Three : Alone Together (chour)

229 5 5
                                    

                                                                       Santina's POV

"Are you sure you're gonna be okay here, Babe?" Liam asked me with a worried tone on his voice. Tumango ako at nginitian siya. I gave him the smile that he always loved and wanted in me. Whenever I use that, naniniwala agad siya sa akin. 

"Hey, don't use that smile on me now. Hindi uubra sa akin yan. Kung bakit ba kasi hindi ka nalang sumabay kina Diana pauwi eh." Aniya. 

"Sigurado ka, hindi ka affected?" I asked, not wavering the smile on my face. He then heaved a deep sigh, senyales na natalo ko na siya. Tumawa ako at yinakap siya ng mahigpit. 

"Alam mo, mamimiss talaga kita ng sobra eh," I unclasped from the hug and looked at him in the eye. " But promise, I'm gonna be okay here. Wag ka nang mag-alala at tapusin mo muna yung trabaho mo. Babalik ka naman agad eh. I'm loving the place kaya siguradong mag-eenjoy ako dito kahit ako lang mag-isa." I finally said. 

Tumango siya pagkatapos huminga ulit ng malalim. 

"Fine. Just update me with everything all the time, okay? Baka mabaliw ako if I will not hear anything from you." Aniya kaya tumango ako. 

"Yes boss. Sege na, you have to go. Baka mahuli ka pa sa flight mo eh." 

"Yeah, you take care here okay?" 

Tumango ako and he kissed me on the forehead before finally leaving. Hinintay ko naman munang mawala sa paningin ko yung kotse bago ako bumalik sa loob. 

I was on my way to my room when I suddenly saw Ken making his way to the restaurant of the resort. Hindi pa pala siya umuwi? Akala ko sumabay na siya kina Diana. 

But... oh yeah, hindi pa nga pala sila totally okay. Si Flynn pa lang ata ang kabati ni Ken ng totoo eh. And ako, if  may count myself in. 

"Ken!" I called. Lumingon naman siya agad at halatang nagulat siya. Akala niya din siguro sumabay na ako kina Diana pauwi kahapon. 

Lumapit siya sa akin, eyebrows meeting, hands on his pockets. 

"Santina? Akala ko umuwi ka na kahapon?" He asked. 

Umiling ako. "Liam and I are loving the place kaya dito muna sana kami for a while. Gusto din namin ng bakasyon na kaming dalawa lang eh. Kaso he had to fly back to Paris for some work that his boss assigned to him. Babalik din yun  dito and we'll plan our wedding already." Turan kong nakangiti. 

Tumango siya. 

"So mag-isa ka dito hanggang sa hindi pa bumabalik si Liam?" He asked. 

Tumango ako. "Ikaw? Wala ka pang balak umuwi? Baka may mga naghihintay din na trabaho sayo ah." 

"I'm on leave. Nagustuhan ko din ang lugar eh. Dito na muna siguro ako. I can accompany you if you want. Kung okay lang sayo." Aniya.

Agad kong naisip si Liam nung sabihin niya yun. He is still insecure with Ken. Tama bang sumama ako sa taong pinagseselosan ng fiance ko habang wala siya? 

"If Liam will be mad, hindi mo kailangang omoo." Napansin na siguro ni Ken ang pagdadalawang-isip ko. 

Huminga ako ng malalim at nginitian siya. 

"Ayos lang. Friends naman tayo. He won't know." Turan ko. 

"Sigurado ka? We can have our different routines while we're here, Santina. Ayokong magsimula ulit  ng gulo sa pagitan namin ni Liam." 

"It's okay, Ken. Sege, kung nabobother ka, kakausapin ko nalang siya and I'll tell him you'll accompany me while he's away. I'll explain everything to him and I'm sure he'll understand." 

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon