Wish Seventeen : The Deal

191 11 10
                                    

Santina's POV

Pinagmamasdan ko si Ken habang natutulog sa kanlungan ko. Hinahaplos ko yung buhok niya at yung ulo niya habang nakangiti ako.

"Thank you for loving me back, Ken. This is such a big thing for me." I said.

I went near him and kissed his check that prompted him to wake up. Napangiti siya nung makitang malapit ako sa mukha niya. Sigurado na akong alam niya na kung ano yung ginawa ko.

"Oy mahal. Ikaw ah. Palihim mo pa akong hinahalikan diyan. Pwede mo namang sabihin sa akin eh. Gusto mo ba isa pa? Gising na ako oh." Turan niya.

Inirapan ko siya at umayos ako ng pagkakasandal dito sa couch namin. Tumawa lang naman siya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko naman. Umiling lang siya. "Wala lang. I just want to feel your hands next to mine. It feels so good. Mas lalo lang akong naiin-love sayo." He said. Nag-init ang pisngi ko kaya malamang namumula nanaman ako ngayon. He suddenly poked my cheeks.

"Uyy, kinikilig nanaman ang mahal ko." Tukso niya. Hindi nalang ako kumibo at tumingin sa ibang direksiyon.

"By the way mahal," Aniya kaya napalingon na din ako sa kanya.

"Hmm?" I asked.

"What do you think about going on a date tomorrow?" He said. Date? Hmm, that's a good idea. Kung matutuloy, ito na ang magiging first date namin as a couple.

Ngumiti ako at tumango. "Sure. Wala namang problema. Pero pano? May pasok naman bukas eh. Tapos may basketball practice pa kayo." Turan ko, may bahid na pag-aalinlangan sa mukha at boses ko.

Bumangon siya at patuloy pa din na hinawakan ang mga kamay ko. Pinagsalikop niya ito sa kanya.

"After classes and after our practice. We could have all the time to ourselves." He said smiling.

"Kaya mo pa ba yun? Sigurado naman akong mapapagod ka sa practice ninyo eh."

Hinalikan niya ng paulit-ulit yung kamay ko bago sagutin yung concern na sinabi ko.

"I'll be fine as long as I'm with you, baby. Ikaw lang naman ang pahinga ko eh." Kinindatan pa ako ng mokong kaya tinawanan ko nalang siya.

"Sege. Sinabi mo yan ah. Pero kung sakaling hindi mo na talaga kakayanin, hindi na muna tayo tutuloy. Madami pa naman tayong oras as a couple." I suggested instead dahil mukang hindi ko naman siya mapipigilan.

Tumango siya. "Yes, commander." And he gave me a salute which I just laugh into.

****

Kinabukasan, maaga kaming pumasok ni Ken habang nag-aasaran nanaman sa daan papuntang school. Hirit siya ng hirit ng kung ano-ano sa akin at dahil kinikilig ako, inaasar niya naman ako. Pero syempre hindi naman ako nagpatalo noh. Kapag tumatahimik na siya, humihirit din ako ng kung ano-ano sa kanya kaya kinikilig din siya. In that way, nagiging turn ko naman na asarin siya.

Yun ang eksena namin hanggang makarating kami sa school. Nakakahiya nga eh. Hindi pa din ako tinitigilan ni Ken kaya pinagtitinginan kami ng marami. May ibang mukhang kinikilig sa aming dalawa, may iba namang mukhang naiinis sa akin. Palagay ko mga supporter yun ng Sabrina x Ken loveteam na ginawa nila noong isinasagawa pa lamang yung planong pagpapaamin sa aming dalawa. Hinahayaan ko nalang sila dahil yun din naman ang sinasabi sa akin ng boyfriend ko. Kahit si Sabrina pinagsabihan na sila na wag akong guluhin o pag-usapan pero hindi naman sila sumusunod kasi pakiramdam nila si Sabrina yung kawawa dito kaya hinahayaan ko nalang din.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon