Santina's POV
Tulala ako nung pumasok sa condo. Hindi na ako tumuloy sa pakikipagkita kay Ken... pero hindi rin naman ako tumuloy sa pakikipagkita kay Liam.
Isinalampak ko ang katawan ko sa couch. Pagod na pagod ako. Physically and emotionally. Kanina alam ko na kung ano ang gagawin ko eh. Tapos biglang eto, Liam is back and all ready to settle the wedding. Bigla nanaman akong nalito at nahirapan.
Huminga ako ng malalim at kinuha ang phone ko when I heard it beeped.
There was a text message from Liam. My boyfriend, but not the man that I love. Hayst.iMessage
5:46 PM
LiamBabe? Di ka nagreply sa akin.
Okay ka lang ba? I'm worried sick. Asan ka ba ngayon?
Should I go to the condo? Baka kailangan mo ako.
Babe naman, reply ka please.
Nag-aalala ako eh.
Mahal....
I love you.
Punta nalang ako, dala akong milktea. You want?
Sege, punta na ako. Hintayin mo ako.
😊❤Liam, no.
Ha? Anong no?
Okay ka lang ba?Ayos lang ako.
Pagod ako ngayon eh. Kakagaling ko lang kina Mama.
Kailangan ko lang ng pahinga. Uwi ka nalang din muna tas meet tayo tomorrow. Thanks for the concern, Liam. Rest ka na. 😊Ah, sege. Thanks Mahal.
I love you.😊
Mahal, okay lang ba tayo?
Asan yung I love you ko?Rest na ako, Li.
Bye.***
Huminga ako ng malalim at muling ilinapag ang phone ko sa center table. Then I closed my eyes to think deeply about my decisions again. I don't want to do it rashly kaya kailangan ko talagang pag-isipan 'to ng mabuti.
Piliin mo kung ano ang makakapagpasaya sayo.
Nadinig ko sa utak ko ang boses ni Mama. At some point, natulungan ako muli netong magdesisyon. Pero sa tuwing bumabalik sa isip ko na nandito na pala ulit si Liam sa Pilipinas. Na handa na pala siya ulit na ayusin ang kasal namin, muli akong nahihirapan. He's so precious, how could I ever hurt and leave him?
It's so hard. So...hard. Hayst.
***
"Good morning Love!"
Biglang nawala ang antok na nararamdaman ko. Liam is here, early in the morning. He was all smiles and was bearing something in his left hand.
"Hey, gulat na gulat ka naman diyan Mahal. Parang ngayon lang kita sinorpresa sa umaga ah?" He said and pulled me in for a hug.
Wala pa rin akong reaksiyon. Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin ko. I mean, alam ko namang andito na siya sa Pilipinas. Pero hindi ko naman inexpect na pupuntahan niya ako dito sa condo ng ganitong kaaga.
He pulled out of the hug at pumasok na din kami sa loob. Wala akong kibo hanggang sa makarating kami sa dining area. Naupo ako.
"Love naman. Parang wala ka sa mood. Ayos ka lang ba?" He asked.
Ngumiti ako at bahagyang tumango. I crossed my arms, placing it on the table.