Santina's POV
Masaya akong lumabas ng bahay. Nasa labas si Ken at hinihintay ako.
"Good morning aking binibini." Nakangiti niyang turan at binigyan ako ng isang bungkol ng bulaklak na paborito ko. Roses. I just smiled back at him and received the flowers. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganito na ang turing ni Ken sa akin ngayon. Grabe, akala ko hanggang sa panaginip at sa pangarap ko nalang 'to mararanasan eh.
"Salamat, Ken." I said and he just smiled at me. We started walking. Hay, naiilang ako na nahihiya. Kasi naman eh. This is so sudden. Everything was so sudden. Pero masaya naman ako.
"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Tanong niya. Tumango lang ako.
"That's good. Ako kasi hindi mo ako pinatulog eh. Magdamag kang nasa isip ko."
Pakiramdam ko namula yata ako ng sobra sa narinig kong sinabi niya. Hindi ako sanay! Jusko!
"Ang cute mo pala pag nagbablush noh? Lalo na at para sa akin yan. Tsk. Ano ba yan, kinikilig tuloy ako umagang-umaga." Aniya.
"Talaga lang ha? Ikaw pa 'tong kinikilig eh ikaw 'tong hirit ng hirit sakin kanina pa?" Tugon ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at bigla akong inakbayan. Mauubusan ata ako ng hangin, teka lang.
"Hindi mo naman kasi kailangang humirit para lang pakiligin ako. Makita ko lang yang mukha mo, kinikilig na agad ako eh." Aniya.
Napalo ko siya sa braso, hindi ko na talaga kaya 'to. Tama na nga!
"Aray! Para saan yun? Nambibigla ka naman yata diyan future girlfriend?" Aniyang hinimas pa yung brasong pinalo ko.
"Kasi naman eh! Puro ka banat diyan. Tigilan mo na nga!" Singhal ko. Tumawa lang siya.
"Ayoko nga. Cute mo kayang tignan na kinikilig para sa akin."
Ay nadimunyu na. Hindi yata talaga ako titigilan nito eh.
"Bwisit ka. Sana di mo nalang nalaman yung feelings ko kung gaganyanin mo lang naman ako! Tss."
Pinisil niya ako sa pisngi. "Cute-cute mo talaga! Oh siya sege na. Titigil na ako. Para naman makarating na din tayo sa school." Hinawakan niya nalang ako sa kamay at matiwasay na din kaming naglakad papuntang school. Mabuti naman at tumigil na din 'to. Akala ko hindi na eh. Tss.
****
Malalaking ngiti ang isinalubong sa akin ng mga kaibigan ko. Nakita kasi nilang hawak ni Ken ang kamay ko. Jusko, ayaw naman kasing bitawan eh.
"Bitawan mo na ako Ken. Please lang, nakakahiya oh." Turan ko.
"Ikinakahiya mo na hawak ka ng future boyfriend mo?" Nanliliit ang mga matang turan niya din. Napairap naman ako nun. Hay naku, hindi na yata talaga titigil 'to.
Hinayaan ko nalang siya at naupo na din kami sa upuan namin.
"Ay, ibang level na ito Ate. Holding hands, ganern?" Si Leian iyon. Ngumiti nalang ako nun. Naiilang pa din kasi ako eh.
"Syempre naman Leian. Nagkaaminan na eh." Si Deina naman iyon.
"Ay naku, sana all. Charot. Thankful na nga lang ako sa ginawa ni Sabrina eh. Hindi ko na siya hate." And Diana laughed after saying that. Umiling nalang ako nun. Hindi pala talaga nila gusto si Sabrina nung mga panahon na yun. Grabe, such loyal bunch of friends I got.