Wish Nineteen : Pain

238 11 20
                                    

Santina's POV

Napangiti ako nung matapos ko na yung banner na ginawa ko para kay Ken. Hindi masiyadong bongga since wala naman akong alam masiyado sa mga gantong kaartehan pero sinigurado kong maayos naman ang kinalabasan nito. Bukas na kasi ang laro nila kaya gumawa ako nito ngayon.

"Uy, Ate. Ano yan?" Tanong ni Cleo. Tumabi pa siya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Gumawa ako ng banner para sa Kuya Ken mo. Bukas na ang basketball game nila eh." Sagot ko.

"Aba, iba din naman ang maeffort eh noh. Sana all." Aniya.

"Syempre naman, para sa Kuya Ken mo."

"Alam mo Ate, masaya ako para sayo. At least ngayon hindi ka na umiiyak sa kanya."

Nagulat ako nung marinig ko yun. Anong pinagsasasabi nito?

"Oh, akala mo hindi ko alam 'no? Alam ko na matagal mo na siyang gusto Ate. Nakikita kaya kita. Saka sabi nga nila, hindi marunong magsinungaling ang mga mata natin."

"Naku, alam mo ikaw, napakabata mo pa pero ang dami-dami mo nang nalalaman. Mag-aral ka kaya munang mabuti, 'no?"

"Nag-aaral naman ako ng mabuti ah."

Tumawa nalang ako nun.

"Sege na, matulog ka na. Maaga ka pa sa school bukas eh." Turan ko matapos naming mag-usap.

"Sege Ate. Good night po."

Hinalikan niya ako sa pisngi at yinakap saka dumeretso na din siya sa kwarto niya. Linigpit ko na din naman yung mga ginamit kong materials at natulog na pagkatapos.

****

Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay. Hindi kami sabay na pumasok ni Ken kasi kailangan nilang mauna doon para sa ilan pang preparations.

Sinalubong ako ng girls at aba, may ginawa pa silang pompoms. Natawa na nga lang ako nun. Para din naman daw 'to sa iba pang boys sa barkada namin kaya  hinayaan ko nalang sila.

Umupo na din kami. May ticket pass sa game namin ngayong araw dahil sa sobrang dami ng tao. Luckily, the boys got us the front row seats. Pero nagulat ako nung makita si Sabrina na nasa tabi ni Ken. Anong ginagawa niya doon?

"Uy girl. Ano yun? Bakit nandun si Sabrina?" Kinalabit ako ni Leian. Umiling naman ako nun. Eh hindi ko naman kasi talaga alam eh.

They were laughing and smiling like they were having so much fun. Mukang hindi mabigat ang pinagdadaanan ni Sabrina the past few days.

"Lapitan mo na kaya?" Si Deina iyon. Tumango ako at agad na ding lumapit sa kanilang dalawa.
Hindi pa nga nila ako agad napansin dahil sa sobrang pagtatawanan.

"May ginawa pala akong banner para sayo. Alam mo na, para damang-dama mo ang suporta ko bilang kaibigan mo." Nakangiting turan ni Sabrina matapos nilang magtawanan.

"Wow, galing naman. Napakabuting kaibigan talaga oh." Sagot naman ni Ken.

"Syempre, mabuting kaibigan ka rin naman sa akin."

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon