Wish Eight : Pushing You To Her

178 12 4
                                    

I wish he'd feel how much I love him, more than friends...

Santina's POV

"Ken."

Lumingon siya sa akin habang ngumunguya ng boy bawang.

"Hmm?"

"Kayo na ba ni Sabrina?" Tanong ko. Nasa bubong kami ng bahay namin ngayon, pinapanood ang naggagandahang mga bituin sa langit. Ang ganda lang sa pakiramdam, ang ganda din kasi ng view.

He chuckled before answering the question.

"Hindi pa noh. Ni hindi pa nga ako umaamin eh." Aniya.

Nanlaki naman ang mga mata ko nung marinig yung sinabi niya.

"What? Hindi pa kayo pero ganun na kayo umasta? Hindi ka pa nakakaamin pero may karapatan ka nang hawakan ng ganun ang kamay niya? Gosh, ang rupok naman ni Sabrina kung ganun!" Turan ko habang inaalala yung kahapon, nung marinig ko yung katotohanan tungkol sa pakikipagbati ni Ken sa akin. Iniyakan ko yun pero wala akong balak na gawin pang issue yun sa pagitan naming magbestfriend. Naipasa ko na din yung project namin and of course, hindi ko nga talaga isinama si Ken doon kasi magiging unfair naman yun dun sa girls na totoong tumulong sa akin. Sila na tumulong walang dagdag grades tapos si Ken na nakipagdate lang magkakaron? Naku, hindi pwede.

Umiling si Ken at ngumiti.

"Hindi ko naman siguro kailangang sabihin sa kanya, sigurado akong ramdam niya kung ano ba talaga siya sa akin. I'm willing to do and give everything for her, bestfriend. Alam kong alam niya na yun, kahit hindi ako magsalita."

Nginiwian ko siya at saka binatukan.

"Aray! Napakasadista naman oo. Para saan nanaman ba iyon?!" Reklamo niya.

"Baliw ka kasi. Babae yun noh! Kaming mga babae, kailangan namin ng assurance lalo na kapag ganyang sweet na masiyado ang ikinikilos sa amin. Naiinis kami sa puro salita lang pero wala namang ginagawa pero nalilito naman kami sa puro kilos lang, pero hindi kami sigurado kung ano ba talaga kami para dun sa tao. Kung espesyal kami sayo, umamin na kayo agad para magkaalaman na. Sigurado akong ramdam naman yun ni Sabrina. Pero kailangan mo pa ding umamin kasi minsan nagiging mindset namin na baka umaasa lang kami. A feelings will not be valid until stated and unless proven. Kaya ikaw, ha. Kung talagang gusto mo yung tao, umamin ka na. Wag ka na madaming rason. Natotorpe ka lang. Tsk." Mahabang litanya ko nanaman sa kanya to cover up my wounded feelings.

"Huy. Hindi ako torpe noh. Tsk." Pagdedepensa niya naman sa sarili niya.

"Ows? Eh anong tawag mo dun?" Tanong ko at sumubo na din ng boy bawang saka tumingin sa kalangitan habang hinihintay yung sagot niya.

"Aisht! Fine, natatakot kasi akong marinig kung anuman yung isasagot niya. Sa ngayon, tinitreasure ko nalang muna yung kung anuman ang meron kami para kung sakaling hindi niya ako gusto, naranasan ko nang mapalapit sa kanya. Sapat na sakin yun. Tatanggapin ko naman kahit ano yung kaya niyang ibigay sa akin eh. Ganun ko siya kagusto. Ganun ko siya nirerespeto." Aniya ulit.

Tumunog yung phone ko. 11:11 na. I closed my eyes and made a wish, ngayon lang ulit matapos ang ilang gabing hindi.

Sana maranasan ko din yun.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon