Ken's POV
1 Message Request
I creased my forehead when I saw that on my messenger. Naupo ako sa couch dito sa condo ko at binuksan yung mensahe and wow... this is unexpected in every way.
Sabrina Aize Cruz
Active Now
3:45 PMHoy ikaw! Mag-usap nga tayo!
I unblocked you na para lang makausap ka.
Asan ka ngayon? Siputin mo ako sa Maya's Café. Mag-uusap tayo.
Subukan mong hindi pumunta, susugurin talaga kita. Mag-eeskandalo ako sa labas ng unit mo.
This is an order from your ex-girlfriend. Pumunta ka dito ngayon na!
Nanggigigil ako sayo eh.
Tsk.
👊😤Ano bang problema mo?
Ilang buwan tayong hindi nag-usap tapos yan ang ibubungad mo sakin?
Are you out of your mind?Ikaw? Are you out of your mind?
Wala kang pake sa gusto kong ibungad sayo. Just come here right now!
I'm waiting for you. Siputin mo ako.
Binabalaan kita. 👊Tsk. Demanding ka pa din.
Paano ka ba nakahanap ng mapapangasawa sa ugali mong yan?Shut up!
Pumunta ka na dito! Tigilan mo na yang kadadakdak mo!Tsk. Oo na!
Hintayin mo 'ko diyan.Good. 😌
Hihintayin kita dito.
Seen 3:51 PM***
Huminga ako ng malalim nung makababa ako ng kotse. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin neto ni Sabrina pero kinakabahan ako. Ewan, lagi naman akong kinakabahan kapag ganun ang mood ng babaeng yun. Tsk.
One last glance at pumasok na din ako sa loob. Agad ko siyang nakita sa may dulong bahagi ng café, nakasimangot habang nakatingin sakin. Huminga ulit ako ng malalim at lumapit na din sa kanya.
"Oh, anong kailangan mo?" Tanong ko agad nung makalapit ako. Naupo ako sa harap niya.
"Ilibre mo muna ako." Pagdedemand neto.
"Ano? Nababaliw ka na talaga 'no? Sabihin mo na nga kung anong gusto mong sabihin! Ang dami mo pang arte eh. Tsk." Turan ko dito.
"Pake mo ba?" Masungit netong tugon sa akin.
Hindi nalang ako nagsalita. Ayoko na ng gulo. Masungit pa naman 'to.
"Well anyways, gusto ko lang itanong sayo. Sino ba yung babaeng kadate mo kagabi?"
Kumunot ang noo ko. Seriously? She called me here for this?
"Yan lang ang tanong mo? Seryoso ka?" Balik-tanong ko dito.
"Hindi lang yan ang sadya ko pero sagutin mo nalang ang tanong ko kung ayaw mong mabalian ng buto."
"Tsk. Si Stephanie lang yun. Katrabaho at kaibigan ko."
"Hmm... She's pretty ha? Hindi mo nililigawan?" Muling tanong nanaman nito.
"Pinapunta mo lang ba ako dito para makichismis sa buhay ko? O baka naman nagseselos ka kaya tinatanong mo yan? Akala ko ba ikakasal ka na?"