Santina's POV
"OMG Santinaaaaa!" Tili agad ni Deina nung makita ako. Finally, after three days nakadalaw na din sila dito sa bahay. Nagkaroon na kasi sila ng free time.
Tumakbo silang tatlo sakin habang nakangiti namang binati nung mga lalaki si Liam.
"Hala grabe namiss ka namin!" Turan ni Diana.
"Namiss ko din kayo gurls!" Turan ko din habang kayakap silang tatlo. Wow, grabe. Kahit two years pa lang naman mula nung huli kaming magkita namiss ko pa din sila ng sobra-sobra.
They excitedly held my hand and stared at the diamond ring on it. Nakangiti lang naman ako habang tinitignan din sila.
"This is so beautiful!" Komento ni Leian.
"Thank you, Lei." Turan ko.
Lumapit naman sa akin yung boys at binati akong muli ng congratulations.
"Thank you boys." I said.
"So anyways, maupo na tayo and let's start planning about the vacation get away. Minsan nalang tayo magkita-kita kaya kailangan na nating sulitin 'to." Anunsiyo ni Leian.
Naupo naman agad kami and we started planning right away. Kung ano-anong mga ideas ang sinabi nila. Kung saan ba dapat kami pumunta, kung kelan at kung kaninong sasakyan ang gagamitin namin.
We were in the middle of our discussion when Mama called for our attention and told us that Sabrina and Ken were outside.
"Sege Ma, papasukin mo nalang." I said.
Ayos na din naman sila kaya okay na. Masiyado naman sigurong childish kung hanggang ngayon hindi pa maaayos yun eh high school pa kami ni Ken nun.
Tumango si Mama at tinawag na nga yung dalawa. Hindi ko naman alam kung bakit pero parang biglang natahimik yung barkada. Are they still feeling awkward about my situation with my ex-bestfriend?
"Guys! Parang bigla kayong natahimik?" Turan kong napapalakpak pa. Nakangiti din ako para ipaalam sa kanila na hindi naman nila dapat makaramdam ng awkwardness.
Hindi sila kumibo. Okay.
"Hey guys! Pasensiya na, medyo nalate kami. May inasikaso pa kasi si Sabrina sa office at hinintay ko pa siya. So, ano na bang naging plano?" Bungad agad ni Ken nung makapasok sila. Naupo na din agad sila sa bakanteng mga upuan and unfortunately for the team, the only vacant chairs were the ones beside Liam and me.
"Ah, ayos lang yun Ken. Naiintindihan naman namin." Ako na yung sumagot para sa tropa.
"So, saan nga yung get-away natin?" Nakangiting tanong ni Sabrina habang nakakapit sa braso ni Ken.
"Napagdesisyunan namin na sa Batangas nalang tayo. Dun sa kilalang kaibigan ni Red. Siguro sapat na yung three days pero depende pa rin naman kung sino ang gustong magpaiwan. Maybe Calli and I will stay if we like the place. We're just both into beaches." Sagot ni Liam.
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"That's nice! Wala naman na siguro kaming iaangal dun. Pero kelan tayo aalis?" Tanong ulit ni Sabrina.