Wish Thirteen : Finally

233 11 0
                                    

Santina's POV

Nagising ako na may humahaplos sa muka ko at sa buhok ko. Paulit-ulit yun, at may kasamang lambing sa bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko. Si Ken pala ang gumagawa nun. Tinignan ko siya at maganda ang ngiti niya sa akin. Ngumiti nalang din ako at bumangon na paupo. Sumandal ako sa headboard ng kama ko at inayos yung kumot sa katawan ko.

"K-Ken. Andito ka pala, umagang-umaga." Turan ko at napatingin sa kanya. Ngumiti lang siya.

"Hindi ko na ba pwedeng puntahan ang bestfriend ko?" Aniya, pero may napansin ako sa boses niya. Malungkot. Ano kayang nangyari sa pag-amin niya kagabi? Nareject din ba siya kagaya ng ginawa niya sa akin?

"Hindi naman sa ganun, Ken. Pero nagtataka lang talaga ako. Hindi ba dapat si Sabrina ang sinusundo mo ngayon at hindi ako? Ano bang nangyari sa inyo kagabi?" Tanong ko.

"O, dahan-dahan lang. Ang dami-dami mo nanamang sinasabi diyan eh." Hindi ko lang pinansin yung sinabi niya. "Sege na, Ken. Umalis ka na at puntahan mo na si Sabrina. Baka hinihintay ka na nun, nakakahiya naman." Ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksiyon nung matapos kong sabihin yun kasi nasasaktan pa din ako.

Kahit kailan naman ata hindi na maaalis 'to sa akin. Ang masaktan dahil may ibang gusto ang taong mahal ko.

"Hindi ko na siya susunduin kahit kailan. Confession failed kagabi."

Napatingin agad ako sa kanya nung sabihin niya yun. Paano nangyari yun? Sweet na sila sa isa't-isa nitong mga nakaraang linggo. Alam ko na sa sarili ko na may nararamdaman din si Sabrina para sa kanya kaya bakit failed? Anong nangyari?

"Anong nangyari? Bakit failed?" Mahinang tanong ko. He looked at me with a sad expression on his face.

"She heard everything that you said last night and she became hesitant. Napaisip din ako eh. Hindi na ako excited nung aamin na dapat ako sa kanya. Ikaw yung iniisip ko. I was thinking about everything that we have been through as bestfriends and I remembered that you were always there for me. You never left my side so why would I choose to let you go?" Hinawakan niya bigla ang kamay ko at dinugtungan yung sinasabi niya. "Santina, let's give this a chance. I want us to give this a chance. Subukan lang natin. Would you dare? Would you do it with me?" Aniya.

Binawi ko yung kamay ko sa kanya at dahan-dahan akong umiling. Ano bang naiisip niya? Bakit umabot siya sa ganoong desisyon? Alam niyang mahal ko siya kaya ginagawa niya 'to? Pero hindi naman ako ganun kaselfish eh.

I need to talk to Sabrina to clear things out. Hindi porke't mahal ko si Ken ay hindi niya na ito bibigyan ng pagkakataon. I clearly know that she likes him that's why I'm giving this to them. I don't want to be happy and she'll be miserable. Isa pa, ayokong isugal pa lalo yung pagkakaibigan namin ni Ken na mangyayari lang kung papasok kami sa isang relasyon. Hindi ito pwede. Hindi tama 'to.

"Ken hindi. Hindi 'to pwede. Umalis ka na ngayon at puntahan mo si Sabrina. Kausapin mo ulit siya. Maghahanda lang ako at susunod na din sa paaralan. Kakausapin ko din siya kung kinakailangan." I told him kaya gumuhit naman yung pagtataka sa mukha niya.

"Bakit? Akala ko ba gusto mo ako? I'm trying to give you a chance Santina. I'm trying to give us a chance. Bakit ngayon ganyan ang sinasabi mo?" Sunod-sunod niyang tanong at komento.

"Hindi ako ganyan kaselfish, Ken. Kilala mo naman ako eh, diba? Alam kong si Sabrina ang gusto mo. Alam ko ding gusto ka nung tao. Nakahadlang lang yung nararamdaman ko para sayo pero pansamantala lang yun dahil hindi ko hahayaang maging ganun siya. I will talk to Sabrina and clear things out with her. I am okay, hindi niyo ako kailangang isipin. Sinabi ko na din sayo kagabi na hindi ako humihingi ng kapalit sa pag-amin ko sayo. Now go and fetch her and I'll be fine."

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon