Santina's POV
"So, kamusta kayo sa kotse kanina?" Tanong ni Deina sa akin. Kasama ko silang tatlo nina Leian at Diana ngayon. Umalis yung ibang boys, hindi ko alam kung san pupunta yung mga yun habang nagpapahinga naman si Sabrina sa kwarto nila ni Ken. And, Ken is nowhere to be found. Three hours na din kasi mula nung makarating kami dito sa resort.
I shrugged my shoulder before biting from the cupcake that we ordered from the restaurant of the resort.
"Wala naman. Same lang, normal naman kaming apat." I said while still munching.
Gusto ko sanang sabihin sa kanila yung mga napapansin ko kay Ken. Kung paano niya tratuhin si Sabrina. Pero naalala kong nagsususpetsa nga pala sila na mahal daw ako ni Ken. Ayaw ko nang dagdagan yun kaya hindi ko nalang sasabihin.
"Really? Nothing akward or unusual happened?" Tanong naman ni Diana sa akin.
Lumunok muna ako at uminom ng buko juice bago sagutin yung tanong niya.
"Wala naman. I mean, medyo awkward though hindi ko alam yung rason but we're okay as friends." I said.
"Hmm." Leian commented.
"You know, suportado ko naman kayo ni Liam. I'm a big fan of your love story, promise. Pero minsan iniisip ko din na paano kung kayo ni Ken yun 'no? Or kahit yung pagiging super bestfriends niyo nalang naman eh maibalik. Sobrang sayang lang kasi eh." Deina suddenly said.
"Yup. You were so close and you can talk literally about anything without being conscious or awkward. Hayst, good old times." Diana added.
Natahimik tuloy ako bigla. Matagal nang nangyari ang lahat. High school pa kami nun. We already went to college and now we're working adults. Kung hindi ba nangyari ang mga nangyari noon magiging ganun pa din kami kaclose ni Ken?
I think hindi din. Of course, things will change no matter how we try to stop it. Kaya nga lang bad change lang talaga yung nangyari sa amin ni Ken.
"Let's just forget it. It has been years, we should all move on." I said with a smile on my face. Hindi ko na tuloy alam kung totoo pa ba 'to o ano eh.
They shrugged.
"Yeah. Hindi lang namin maiwasang manghinayang." Leian commented and I just shrugged my shoulders too.
****
Naisipan kong bumalik na muna sa kwarto namin habang naisipan namang magshopping nung girls. Hindi ko alam kung bakit pero parang divided tuloy kami na pumunta dito. Parang hindi kami isang barkada eh. Paano ba kami makakapag-enjoy nito? Three days lang kami dito, kaya ba namin yun?
Papasok na dapat ako sa kwarto nung bigla akong makarinig na parang may nagtatalo malapit dito. Alam kong hindi ko dapat gawin kasi masama pero hindi ko napigilan yung sarili ko at hinanap ko kung saan galing yun.
My eyes then widened when I saw Ken and Sabrina talking.... while the latter is crying in front of her boyfriend. She looks like she's in too much pain and I just wanted to comfort her but how? Ayaw ko namang makialam kasi hindi ko din naman alam kung anong problema nilang dalawa.
Nagtago muna ako sa isang tabi habang nakikinig sa kanila. Baka may malaman ako para din alam ko kung paano ako tutulong.