I wish this doesn't turn to something deeper..
Santina's POV
Malaki ang ngiti ni Ken nung makarating kami sa school. Of course, why not? It was Sabrina we were talking about here.
Nakita niya kasi agad ito sa isang bench na kasama ang mga kaibigan nito na cheer dancers din dito sa school namin.
She's very beautiful, outstanding ang beauty ng dalaga in her blue dress and messy bun hair na pinarisan ng isang black stilletos. Together with her wide smile, hay, she's so pretty.
I bet hindi lang si Ken ang may gusto dito. Kahit nga siguro si Trevor na inaasar nito sa akin may gusto diyan.
Napahinga ako ng malalim, ganda mo girl. Sana all.
"Ano, tititig ka nalang diyan o dederetso na tayo sa classroom natin?" Tanong ko kay Ken, tulala nanaman kasi kay Sabrina habang malaki ang ngiti sa mga labi.
Umayos siya ng tayo nung marinig yung sinabi ko.
"Tara na, tara na. Baka makita niya pa ako, nakakahiya." Aniya.
"Sus, para namang ayaw mong tinitignan ka niya." I retorted.
"Of course gusto ko. But not in a very awkward face. I need to be handsome in her eyes always."
"Kaso paano mo naman magagawa yun kung lagi kang natutulala sa ganda niya?"
"I can manage. Basta, halika na muna. Baka din kasi dumating na si Miss."
Tumango ako at dumeretso na nga din kami sa classroom namin. Sinalubong kami ng iba pa naming mga kaibigan at kaklase na sina Deina, Diana, Leian, Red, Chase, at Flynn.
"Good morning lovebirds!" Si Leian iyon. Sinimangutan ko naman siya. Kahit kelan talaga, supporter naming dalawa ni Ken 'to eh.
Kung sana totoo lang.
"Oh, bakit simangot ang sinasalubong mo sa akin diyan? Nakakahurt ka friend ah, umagang-umaga."
"Magtigil ka nga, Leian. Umagang-umaga, manahimik ka." Pagsaway naman ni Deina sa kanya.
Umirap lang siya. Buti nalang pumigil na agad sina Red at Chase bago kung saan pa man mapunta yang simpleng usapan at sagutan nila na yan. Pareho pa namang mga palaban 'to.
"Itigil niyo na yan, baka kung saan pa umabot yan." Ani Chase.
"Oo nga, nakakahiya pag nagkataon." Sabat din ni Red sa sinabi niya.
The two heaved a deep sigh and fell silent together.
Ngumiti nalang ako bilang pasasalamat dun sa boys.
Tumango lang sila at nagkaroon na din sila ng kwentuhan nung iba pang boys sa barkada namin.
Lumapit naman din sa akin yung tatlo.
"Ayos ka lang ba? I saw Sabrina on her favorite bench near the gate kanina. I'm sure nakita nanaman siya ni guy." Si Diana.