I wish I can still pretend to be okay...
Santina's POV
11:11. Hinihintay kita kanina pero ngayong andiyan ka na, kakayanin ko pa bang humiling sayo?
Sabrina at Ken. They're finally friends now. Kung naniniwala si Ken sa 11:11, malamang hihilingin niyang sana ay hindi lang sila hanggang pagkakaibigan ni Sabrina. Siguro ihihiling niyang sana maging sila din.
Ang saklap naman nun.
Habang ako humihiling at nananalangin na maging akin siya, siya naman humihiling at nagdadasal din na sana mapasakanya si Sabrina.
I wonder if Sabrina likes him too? Or kung may chance ba.
Hayst, ewan ko na. Ang gulo. Ang sakit.
Huminga ako ng malalim at napatingin sa phone time ko.
11:14, mintis ka Santina. Paano na yan ngayon? Kulang ka ng isang gabi, matutupad pa ba yung hinihiling mo?
Umiling-iling ako. Kahit naman kasi ilang araw, linggo, buwan, at taon pa akong humiling tuwing sasapit ang 11:11 PM kung may iba naman siyang gusto, wala pa ding mangyayari sa akin. Wala pa ding mangyayari sa amin. Walang saysay ang lahat ng iyon.
Siguro nga, we're just meant to stay like this forever and I have to accept that already.
We're just meant to be bestfriends, forever.
Until the end of our lives.***
Kinabukasan, mas maaga akong pumasok kesa kay Ken. Hindi ko na siya hinintay kasi sigurado akong magkekwento nanaman yun tungkol sa kanila ni Sabrina. I'm sure he'll just brag about her again. Hayst.
Tumambay na muna ako sa student park namin habang nakikinig sa music. This is my happy pill, pangalawa kong bestfriend bukod pa kay Ken at sa buong barkada naming dalawa.
Musika.
Sana tao ka nalang para mas napapagaan mo ang loob ko.
Pero siguro, mas mabuti na ding hindi ka tao para hindi din ako mafall sayo at para hindi din ako masaktan. Because from the way you make me calm and so relaxed, hindi malabong minahal na din kita ng sobra.
And that's bad 'cause I know you wouldn't love nor like me back if you became a human.
Haha, Santina. Masiyado ka na ba talagang broken-hearted para pag-isipan mo ng ganyan pati ang musika?
Naloloka ka na, dai. Itigil mo na kaya?
"Wag."
Napatingin ako sa nagsabi nun. Flynn. Nagulat ako kasi nandito na pala 'to. Saka ano bang sinasabi niya? Anong wag?
Pinatay ko yung music na on-play at inalis yung earphones ko sa tenga ko.
"Flynn, andito ka na din pala. Akala ko ako palang." I said.
Naupo naman siya sa tabi ko.
"I was here before you. I just needed to run some errands for Miss Alday. Anyways, yung tungkol sa sinasabi mo kanina, wag ang sagot ko."