I wish I'd finally see my worth...
Santina's POV
Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos maibigay yung project sa amin. Nakuha ko na yung form mula kay Gianna, yung class president namin pero hindi ko pa nasisimulan yung interview. Yeah, I know that it should be me and Ken kaso lagi niyang kasama si Sabrina. I doubt if she knows about this project. Kasi kung alam niya pero pinipili niya pa ding makasama yung bestfriend ko, then I would definitely lash out at her. Kailangan namin 'to. I need Ken to finish this and she should give it some thinking.
Right now, nasa isang coffee shop ako. Hinihintay ko si Ken. Dito yung usapan namin kahapon, para finally eh makagawa na kami ng project naming dalawa. It's Saturday kaya free kami gawin 'to today. Kung kakayanin, matatapos nga namin agad 'to kahit hanggang bukas ng hapon. Para early submission sana kami sa Monday.
Napatingin ako sa wristwatch ko. 11:45 AM and I've been here since 7:30. Iyon ang napagkasunduan naming oras ng bestfriend ko. Hindi pa siya dumadating, wala ding tawag o text pero alam kong dadating siya. I know him. He never breaks any of his promises, he'll come. Cross-fingers.
I picked up my phone and sent him a text message again, for the 30th time I guess.
To: Bestfriend Kentot
Nasaan ka na? It's nearly lunch time, dapat masimulan na natin 'to agad.To: Bestfriend Kentot
Ken, nasaan ka na ba? Magreply ka naman oh. Kanina pa ako dito sa meeting place natin, looking like a total fool waiting for you.To: Bestfriend Kentot
But yeah, of course I know that you have your reasons. Sege lang, take your time. I'll still wait here. See you later! :)Ibinalik ko yung cellphone sa mesa at uminom nalang ng pangalawang coffee na inorder ko mula kanina. Alangan naman, nakakahiyang tumambay dito ng ganun katagal tapos hindi ako oorder. Juskopo, that would be a total shame.
Konting hintay pa, siguro naman dadating din yun maya-maya lamang.
I'm sure he'll come, it's certain. Para din naman 'to sa grades niya eh. :)
He'll come, Santina. He'll come, hintay ka lang ng saglit pa.
***
I decided to leave the coffee shop at 2:30 PM. Wala akong napala kakahintay kay Ken dahil hindi din naman siya sumipot doon. Hindi din siya nagrereply sa texts ko and yeah, he's also ignoring my calls. Damn that man. Hindi porke't mahal ko siya may karapatan na siyang ganituhin ako ngayon. Hindi porke't mahal ko siya ay hindi na nag-iinit ang ulo ko ngayon dahil sa ginawa niya sa akin. Damn, I hate him. Dapat ata si Flynn nalang yung pinili kong makapareha para dito. Sana hindi ako nahihirapan ngayon. Kaso, si Diana naman din ang mahihirapakan at ayaw ko nun. Ako nalang ang mahirapan wag lang sila na mga kaibigan ko.
Wag lang yung mga taong mahal ko, yeah. But damn that Ken Mikael Manalad. Sana mahirapan siya sa grades niya this quarter. Inuuna niya pa ang ibang mga bagay eh, nakakainis.
Wag ko lang talagang malalaman na si Sabrina nanaman ang dahilan nito kasi siguradong makakasapak na talaga ako ng tao, bwisit siya. I'm not bitter about them. Kaso grades ko na ang pinag-uusapan natin dito at kung haharang si Sabrina dun, surely masususpend talaga ako sa gagawin ko sa kanya. Nanggigigil ako eh, sobra! Hayst! Nakakainis!