Wish Twenty Two : The Song

195 6 7
                                    

Santina's POV

"So stick ka na sa decision mo na yun, gurl?" Tanong ni Leian sa akin.

Nandito silang tatlo sa hospital ngayon. Dinalaw nila ako since free day naman nila. Chaca malapit na din kasi ang graduation kaya busy na ang lahat sa pag-ayos ng mga requirements nila.

"Siguro nga yun na muna ang magandang gawin sa ngayon, Lei. Hindi na din naman maibabalik kung ano yung kami dati eh." Sagot ko.

"Sigurado ka na diyan ha?" Si Diana naman iyon.

Tumango ako. Desidido na ako sa kung anuman ang mga sinabi ko kay Ken kanina. I'm finally letting him go. As a friend... and as the love of my life, I guess.

"Eh paano girl kung nasa isip mo lang yan? Base sa kwento mo sa amin kanina, sinabi ni Ken na kaibigan pa din ang magiging turing niya sayo." Deina said.

"I will not let it happen. Baka maapektuhan pa ang relasyon nilang dalawa ni Sabrina eh. Hindi naman ako selfish, Dein. Alam mo yan. Tingin ko magiging gulo lang ako sa kanilang dalawa." Turan ko.

"Bakit mo naman naiisip yun?" Tanong ulit ni Leian sa akin.

"I just know. Mabait si Sabrina pero paano kung maramdaman niya na threat ako sa relasyon nilang dalawa? I just don't want that to happen." Sagot ko.

"Ay, ganda ka 'te? Threat sa kanila?" Banat agad ni Leian. Naku, kahit kelan talaga.

"Che! Tigilan mo 'ko Leian ha." Angil ko at tumwa lang siya.

"So ano 'to girl, si Fafa Liam nalang ang sayo?" Tanong naman bigla ni Diana.

"Luh. Pare-parehas lang kayo nina Mama eh. Hindi 'no! Kaibigan ko lang yun, kayo talaga."

"Eh paano kung gusto ka niya?" Tanong ni Deina.

Natahimik ako sa tanong na yun. Posible ba yun? Yung magustuhan ako ng napakagwapong Liam Javier na iyon?

"I think that's impossible." I commented after thinking about it.

"Well, we think that it's not. Alam mo bang walang araw na hindi dumalaw yun dito nung nasa coma ka pa? Kapag wala kami o sina Tita, siya yung nandito. He talks to you and always tell you to wake up already. Kasi miss ka na daw niya. He tells you how beautiful and talented you are. Basta! Yun na yun. You should understand it already." Kwento agad ni Diana sa akin.

"Luh? Eh paanong alam ninyo kung ano yung mga sinasabi niya sa akin kung wala kayo dito? Are you making up stories? Gusto niyo akong magmove-on kaagad kay Ken ano?" Panghuhuli ko sa kanila.

"Actually kasi, hindi lang kami magaganda. Matatalino din kami girl. Kaya naman..."

Inilabas ni Diana ang cellphone niya at nagpipindot ng kung ano-ano doon. Maya-maya pa, ibinigay niya na yun sa akin at pinanood ko kung ano yung nandun.

Video pala ni Liam na dinadalaw ako dito sa ospital while I was on my coma. I wonder if ano na ang nangyayari sa panaginip ko diyan?

Pero grabe naman 'tong mga babaeng 'to! They really did this?

Video:

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon