Santina's POV
"Sege, I'll just see you later, then." Turan ko sa kausap ko sa telepono.
"Sege." He said and ended the call right after.
Agad ko namang inilapag yung phone ko sa working table ko and focused back on the designs that I need to finish and submit tomorrow.
Aisht. Napakahirap naman nito eh. Ang dami-dami ko pang tatapusin and yet, I had so little time.
"Gurl, kain na. Lunch time na oh." Turan nung katabi ko dito sa office. Si Amara.
Tumango lang ako at tinignan siya. Nagliligpit na siya ng mga gamit niya.
"Sege lang Mars. Una ka na. I'll just finish the designs that I need to pass tomorrow tas kakain nalang ako mamaya." I answered.
"You sure? Wala ka nang kasama niyan mamaya, sege."
"Hindi naman ako bata, Mars." Natatawa kong sagot.
Tumawa nalang din siya at nagshrug saka nagpaalam na aalis na nga. I just waved bye at her and continued the work that I need to finish para makakain na din ako.
****
From: Babe
Nasa baba na ako, Babe.To: Babe
Sege, see you in a bit! Tapos na rin naman ako dito.From: Babe
Okay.Ibinaba ko yung phone ko at iniligpit na yung mga gamit ko. It's actually 7 PM already at hindi na ako nakakain ng lunch kanina dahil sa sobrang dami ng ginawa ko kaya magdidinner nalang ako ngayon with someone very special.
When I was done, nagpaalam nalang ako sa mga katabi ko at bumaba na din ng working building namin. Agad niya akong sinalubong ng yakap at ngiti sa labi.
He carried my things while we walk to his car.
"Kumusta naman ang araw mo?" He asked.
"It was exhausting Babe! Grabe, ang dami-dami kong kailangang tapusin na designs tapos gumawa pa ako ng written report tungkol sa event last time. Buti nalang mahal ko 'tong trabahong 'to kasi kung hindi, ay naku. Hindi ko na alam." I said.
He pinched my cheeks.
"You know, you're cute when you're complaining. I would love to see that face forever." Aniya.
Ngumiwi lang ako.
"Ah ganun? Gusto mo lagi nalang akong magreklamo sayo?"
"Hindi naman sa ganun. Basta, cute ka lang talaga kapag nagkekwento ka sa akin tungkol sa araw mo."
"Sus, mga drama mo. Halikana nga! Gutom na ako eh."
He just laughed and opened the car door for me. Agad na akong sumakay dun at inilagay sa likod yung mga gamit ko. Sumunod na rin naman siya at nagsimulang magmameho paalis.
"So, saan tayo kakain ngayon?" I asked.
"Nagpareserve na ako sa Thelma's. Alam ko namang paborito mong kainan yun." Sagot niya.