Santina's POV
"Javier Couple dito na kami!"
Nagkatinginan kami ni Liam. Jusko, ang ingay talaga ni Leian. Tumawa kami at napailing nalang bago bitbitin yung mga gamit namin at lumabas na din.
"Ang ingay Leian ah. Umagang-umaga." Komento ko agad nung makita ko na sila.
"Sorry naman. Nagpapaalam lang eh." She said.
"Fine. Oh, teka. Bakit isang sasakyan lang ang dala ninyo? Kasya pa ba kami diyan?" I asked.
"Actually hindi na. Isa nalang kasya eh. Hehe. But Red is on the way, dala niya ang sasakyan niya para mahiram ninyo. Dun na kayo nina Ken." Leian answered.
Agad na napaawang ang mga labi ko at nanlaki ang mga mata ko. Juskopo. Seryoso ba 'to?!
"What happened? Bakit sa iba kami sasakay?" Biglang tanong ni Liam.
"Hindi kasya eh. Ginamit ni Papa yung isang mas malaking sasakyan." Si Deina yung sumagot since ito naman talaga yung plano noon. Kotse nila ang gagamitin namin.
"I'm sorry, hindi naman namin sinasadya eh. Sorry talaga Liam." Diana said.
Tumango lang si Liam.
"It's fine. I think I'll just drive tas daanan na namin sina Ken. Saan daw ba sila ngayon?" He said.
"Chinat ko si Ken, nasa kanila daw sila. Malapit lang naman yun dito. Daanan niyo nalang." Chase said.
Tumango ako. Sakto namang dumating na din si Red. Bumaba siya agad at binigay kay Liam yung sasakyan.
"Thanks bro." Liam said.
"Sure. Ingatan mo ah. Mahal ko yan." Turan nalang naman ni Red.
Tumango si Liam.
"Sege, una na siguro kami. Sunod nalang kayo ah?" Turan naman ulit ni Red.
Tumango lang kami ni Liam at umalis na nga sila. Ilinagay na namin yung mga gamit namin sa compartment ng sasakyan saka sumakay na din para makaalis na kami.
But before Liam could even start the car, hinawakan ko siya sa kamay kasi ang tahimik niya nanaman. Nag-iisip nanaman siguro siya ng kung ano-ano.
"Babe, ayos ka lang ba?" I asked.
"Of course, why not?" He answered.
"Kasama natin sina Ken eh. Are you gonna be okay?" I asked, sounding really worried and concerned about him. Hindi na ito yung Liam na nakilala ko noon but who cares? I'm his fiancé and I'll be willing to accept everything about him. After all, hindi lang naman ito yung magiging discovery ko sa kanya. Oo, five years na kaming dalawa pero sigurado naman akong madami pa akong bagong madidiskubre kapag naikasal na kami. At lahat ng yun, handa akong tanggapin at pagtiisan kasi yun ang tama. Yun ang dapat. At dahil mahal ko siya.
"Babe, kasama natin si Ken pero kasama din naman natin si Sabrina. They're together, right? Walang magiging katuturan yung pag-iisip o yung pagseselos ko. I'll be fine, I promise." He stated with a smile on his face.