Santina's POV
iMessage
8:15 AMMa, I'm on my way na po sa bahay.
Okay, 'nak. Ingat.
Hihintayin ka namin dito.
Nakahanda na ang pagkain. ☺Sege po. Thanks Ma.
You're welcome.
***
Huminga ako ng malalim. Hindi pa ulit kami nag-uusap ni Liam mula kagabi. Ayoko siyang kausapin at hindi rin naman siya gumagawa ng paraan para magkaayos kami. Mas gusto niyang pagtuunan ng pansin yung trabaho niya ngayon. Bahala siya dun. Tsk.
When it was time to go, agad na din akong nagmaneho paalis while continuously thinking if I would be ready to tell my Mom about what I am going through right now. I mean, she's my Mom and I know she won't judge me. Pero kinakabahan pa rin ako, at hindi ko maintindihan kung bakit.
Bahala na mamaya.
***
"Hi Ma." Matamlay kong bati sa Nanay ko.
She smiled at me and gave me a tight hug. Muntik na akong mapaiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko munang sirain ang mood namin na 'to.
Nung kumalas ako kay Mama, yinakap ko na din si Papa. Wala pala yung dalawa, nasa school parehas. Nakalimutan ko namang may mga sariling buhay na din sila. Hayst.
"Ayos ka lang ba anak?" Papa asked.
I smiled at him.
"Hindi po, Pa. Pero mamaya na ako magkekwento. Kain po muna tayo. Wala pa akong breakfast eh." Tugon ko dito and he also smiled at me.
"Mabuti at sa amin mo naisipang tumakbo." He said. Tumango lang ako at dumulog na din kami sa hapag.
Ipinaghain agad kami ni Mama. Hindi pa din siya nagbabago. She's still the sweet and caring Mama that I witnessed while growing up. Kaya the best talaga siya eh.
"Oh, kumain ka ng mabuti anak. Mukang kailangan mo talaga ng energy para sa pag-uusapan natin mamaya." Turan pa neto at ngumiti saka tumango lang ako.
Umupo na si Mama and we started eating. The best pa rin talaga ang mga luto niya eh. Somehow, natuwa ako at gumaan ang nararamdaman ko. Parang ibinalik ako ng luto ni Mama sa mga panahong wala pa akong mga ganitong iniisip.
The meal was silent. Parang pinapakiramdaman lang ako ng mga magulang ko. Hindi na rin naman ako nag-abalang magsalita hanggang sa matapos kami.
Iniligpit namin ni Mama ang mga pinagkainan namin at hinugasan na din. Pagkatapos nun, naupo na kami sa sala.
"Ano bang problema mo, anak?" Papa asked.
"Hmm. Pa, kasi namomroblema ako eh. Nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung sinong pipiliin ko. Sa ngayon, I'm sticking with Liam kasi he has been there for me since day one. He made me feel loved and cared for. I felt my worth as a woman dahil sa pag-aalaga niya sa akin. I know it is right to choose him, kasi fiancé ko naman siya. Pero yung puso ko po kasi eh. Gusto netong piliin at ipaglaban ko si Ken at ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. Alam kong mali... but I just realized how much I love that man. Mahal na mahal ko po siya, Papa, Mama. Pero hindi pwede eh. May masasaktan kapag ipinilit ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Si Liam. And he doesn't deserve that, at all. Ano na po bang dapat kong gawin ngayon?"