~~~~Φ~~~~Blaire Maniego's Point of View
"Who are you?" bungad sa akin ng isang may katandaang babae nang buksan ko ang pinto.
Nag-bigay galang naman ako sa kanya, at saka ko sinabi na ako ang bagong studyante ng akademyang ito. Tinanguan niya lang ako, habang naka-taas ang kanyang makapal na kilay, sabay ay pinapasok niya na kaming dalawa ni Criza at saka niya ako sinabihan na mag-pakilala sa harapan.
Nasa akin na ngayon ang mata ng lahat, habang naka-tayo ako sa harapan nila. Nag-aabang sila ng sasabihin ko. Tumikhim naman ako saka ako nag-salita.
"Hi. My name is Blaire Maniego. My power is fire and music," I said habang naka-tayo sa harap nila, at saka sila nag-simulang mag-bulungan.
"She's a fire user?"
"She should be in the higher tier."
"Why is she even here in our class if she belongs to the higher tier?"
"Maybe, she's seeking attention."
"I agree with you. What a famewhore."
Bulungan lang sila ng bulungan, habang si teacher naman ay tila naiinis na, kaya hinampas niya ang mesa.
Okay, so here in Academy of The Braves...based on my observations simula kanina, there are good and bad, eloquent and crass, skilled and clumsy.
Napa-iling na lang ako, saka ko nilingon si teacher na umuusok na ang ilong sa galit.
"Quiet class!" sigaw ng history teacher namin na ikina-tahimik nilang lahat, at saka ako nito pinapunta sa may likuran kung saan mayroong bakanteng upuan at doon pinaupo. Masasama rin ang tingin na ipinupukol sa akin ng mga kaklase ko na tila ba may nagawa akong kasalanan na hindi katanggap-tanggap para sa kanila. Akala ko pa naman ay mabait ang mga nandito. May mga masasama rin palang naka-pasok sa akademyang ito. Hays.
Napa-iling na lang ako, at saka ako nakinig sa mga bagay na sinasabi ng aming guro na ngayon ay nagsasalita sa harapan. Nagbubulungan pa ang mga kaklase ko na kesyo pabalik-balik raw ang tinuturo ng guro namin at pinagbubulungan rin nila ang pag-transfer ko at ang pagiging fire user ko.
Hindi ko na lang sila pinansin, at nakinig na lang sa tinuturo ni teacher hanggang sa tumunog na ang malakas na bell, hudyat na tapos na ang klase sa subject na ito. Kaagad naman akong tumayo, saka ako naunang lumabas ng classroom. Baka sabihan pa ako ng pabida doon sa loob at baka mawalan pa ako ng kontrol kapag nagalit ako ng tuluyan.
Hindi ko na rin alam kung nasaan si Criza. Nakalimutan ko, eh. Hindi kasi ako sanay na may kasama ako dahil ako lang naman mag-isa noon sa tinutuluyan kong bahay.
Mayamaya lang ay nakarating na ako ng tuluyan sa cafeteria. Wooh! After how many years na hinanap ko ang daan, nakarating rin. Ang laki kasi talaga ng school na 'to. Hindi ko ma-reach sa taas ng lebel. Hays!
Kaagad akong nag-tungo sa counter, at saka ako um-order ng mga pagkain na puwedeng kainin at saka ako umupo sa isang vacant table at doon kumain, nang biglang sumulpot si Criza na hinihingal pa talaga.
"Nahanap rin kita. Jusko! Kanina pa ako naghahanap sa iyo, kumakain ka lang pala dito. Hindi mo man lang ako hinintay. Nakaka-tampo ka," hinihingal niyang sambit, saka siya umupo sa kaharap kong upuan. Kinuha niya pa ang pineapple juice ko at ininom. Napa-iling na lang ako, at saka humingi ng tawad sa kanya kasi naiwan ko siya, saka ko ipinaliwanag ang side ko at mabuti na lang ay naintindihan niya.

BINABASA MO ANG
The Brave
Fantasy[C O M P L E T E D] "Not your oh so ordinary story" In the latest iteration of human evolution, some people are born with magical powers, but when they lived amongst human, the world became a dangerous battleground. A dangerous realm, to be exact. T...