Chapter Fifteen

454 28 0
                                    

~~~~Φ~~~~

Blaire Maniego's Point of View

It's been a week noong ginawa ang school magic fest, at so far ay wala naman na ibang nangyari pa pagkatapos ng nangyari sa akin noong opening day ng festival. And, it's still a mystery kung sino ba talaga ang gumawa sa akin nung bagay na iyon at kung ano ba ang pakay niyang talaga. Sa pagkaka-alam ko kasi ay isa na lang ang traydor dahil sa patay na ang isa. But I know na may mga kasabwat pa ito rito sa scho. And as soon as hindi siya umaalis rito, ang ibig sabihin lamang non ay mayroon pa siyang kasabwat, kaya naman ay hindi siya natatakot. Sa tingin ko rin ay mayroong mataas na katungkulan ang kanyang kasabwat na Dark kaya kampanteng-kampante lang siya sa ngayon.

Sino naman kaya ang mapangahas na traydor ang kasabwat ng isa pang traydor na iyon?

Hindi ko na talaga alam ang mga nangyayari. Nalilito na ako sa mga bagay-bagay. Napaka-clueless ko. Ang daming gulo na nagaganap ngayon at isa pa ay 'yong sinasabing "A war will happen, and the fortune will favor the Brave. The Brave that can end the war between rivals. Who's The Brave?"

Sinabi iyong kataga na iyon matapos ang school magic fest. Nag-karoon kasi ng isang miting de avance para sa lahat ng mga estudyante, at isa sa usapin ngayon ang The Brave na sinasabi ni headmistress, pati na rin ng ginagalang na Oracle.

And, by the way, I am currently walking sa gitna ng hallway, and I don't know kung bakit tila mainit ang ulo ko ngayong araw na ito. Mainit na paiba-iba. Bipolar kumbaga. Feeling ko tuloy ay nababaliw na ako. Parang paiba-iba nga kasi ang mood ko. Kanina naman ay masaya ako, ah? Tapos ngayon kasi, para bang naiinis na ako sa mga naka-tingin sa akin sa ngayon. Ang sarap tuhugin ng mga mata nila hanggang sa dumugo ito ng dumugo at sumigaw sila ng sumigaw sa sakit. Tse!

Kalalabas ko lang rin pala galing sa loob ng library ng school. Alangan namang sa labas ako lumabas 'di ba? Parang nakaka-lito naman 'yon isipin.

Nagulat naman ako nang may humila sa akin, and to my surprise, it was him. The guy who never talked to me in a nice way. Frost. The frozen hearted elementalist of Class S.

"Where are you taking me? Kidnapping 'to, ah! According to the Book of Laws in our world, kidnapping means death. Republic act 1879, series 3, blg--" naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang huminto, saka niya ako sinamaan ng tingin kaya naman ay napa-tikom na lang ang bibig ko dahil baka gawin niya pa akong yelo, no! At saka, kaya ko alam ang iilang batas rito ay dahil na rin sa nais ko sanang mag-abogado rito sa mundo namin dati, but I can't afford Elite Accademy's tuition fee. Ang pangalawang akademya rito sa magic world. Mostly, mga lowlife ang naroon na may mga pangarap na maging abogado, tauhan ng palasyo, o businessman.

Hindi na ako umimik after niya akong sitahin at sumunod na lang sa kanya ng tahimik hanggang sa nakarating na kami sa likuran ng dormitory, which is ang garden of the academy. Nangunot naman ang noo ko.

"What are we doing here, Frost?" takang tanong ko sa kanya, saka ko siya nilingon. Huminga naman siya ng malalim, at saka siya pumikit, bago siya lumingon sa akin.

"Wait here. I'll buy snacks. May kailangan tayong pag-usapan. A very  important matter," paliwanag niya sa akin at saka siya nagmamadaling umalis sa harapan ko na parang wala lang ang ginawa niyang pag-kidnap sa akin. Pero, woah. That was the longest sentence na sinabi niya sa akin, so far. Improving na si Frost, ah!

Umupo ako sa may puno, at saka ako nag-hintay doon. It's still nine in the morning at maagang-maaga pa talaga.

Nag-hintay lang ako ng nag-hintay, until umabot ang alas-tres ng hapon at nainip na ako ng tuluyan. Bakit ba ang tagal niya? What did he do? What is he doing?

The BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon