~~~~Φ~~~~Blaire Maniego's Point of View
Nandito ako ngayon sa sala ng House of Myracleus, kasama silang lahat. Si Criza naman ay nasa isang one month mission raw. I don't know, but I don't feel well right now. Ang init kasi ng ulo ko.
Nagbabangayan rin ngayon si Seven at Lovely kaya naman ay sumasakit lalo ang ulo ko dahil sa ingay na ginagawa nilang dalawa. Nagtatapunan pa talaga sila ng unan.
Pinigilan kong huwag magalit...pero natamaan nila ako ng unan sa mukha ng...malakas.
"Ano ba! Hindi ba talaga kayong dalawa titigil?!" inis at gigil kong sambit na ikina-tigil naman nilang dalawa kaagad. Pakiramdam ko, namumula na rin ako sa sobrang inis ko.
"Ano bang problema mo?" sabat naman ni Lovely na tila vba ay nainis rin sa inasal ko ngayon lang. Napa-lingon rin sina Frost sa gawi namin.
"Kayo! Masakit na nga ang ulo ko, ang ingay at ang kulit niyo pang dalawa. Nakaka-inis!" reklamo ko. Tinaasan naman ako ng kilay ni Lovely.
"Kulit? Ingay? Tss. If nakukulitan at naiingayan ka sa amin, edi umalis ka. Baguhan ka pa nga lang ay ganyan ka na agad umasal. Tsk! Kaya siguro walang ibang sumasama sa'yo maliban sa amin dahil diyan sa ugali mo," sambit ni Lovely, saka siya umalis sa harapan ko at pumasok sa kuwarto niya. Tila kumirot naman ang aking dibdib sa mga sinabi niya sa akin.
"Tsk. Hindi ko alam na may toxic ka palang ugali, Blaire. I should have known," sambit ni Seven na tila nainis rin sa ugali ko, at saka siya sumunod kay Lovely.
H-hindi ko naman sinasadya...
It's just that...I am a fire user. It's normal na hot headed ako minsan...kahit na hindi ko naman sinasadya. Bigla na lang umiinit ang ulo ko at bigla na lang akong napipikon o naiinis agad.
Tinignan ko naman ang tatlong lalaki na natitira rito, pero nag-iwas lang sila ng tingin sa akin.Dali-dali naman akong tumayo, at saka ako lumabas ng house of Myracleus at building at nang maka-labas ako ng tuluyan ay kaagad akong napa-hawak sa sumasakit at sumisikip kong dibdib.
Kaagad akong tumakbo...
Takbo...
Takbo lang...
Hanggang sa nakarating ako sa loob ng isang masukal na gubat at doon ay napa-upo ako at nag-simulang sumigaw habang hawat ang aking dibdib na tila pinipiga sa mga oras na ito.
A-anong nangyayari sa akin?!
Pumikit ako at saka huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. I'm trying to heal myself without others help, pero...wala pa rin. Mas lalo lang itong sumasakit.
Napa-higa ako sa lupa, nang biglang may huminto sa harapan ko.
"F-frost?" takang tanong ko, habang nahihirapan. Inabot niya naman ang kamay niya sa akin, saka niya ako tinulungang umupo, bago siya pumantay sa akin.
"Relax your mind and heart," sambit niya. Sinunod ko naman ang sinabi niya. I relaxed my mind and my heart, hanggang sa nawala na ang nararamdaman kong sakit, kaya naman ay napa-hinga ako ng maluwag.
![](https://img.wattpad.com/cover/198367710-288-k490410.jpg)
BINABASA MO ANG
The Brave
Fantastik[C O M P L E T E D] "Not your oh so ordinary story" In the latest iteration of human evolution, some people are born with magical powers, but when they lived amongst human, the world became a dangerous battleground. A dangerous realm, to be exact. T...