Chapter Twenty-Five

347 19 0
                                        


~~~~Φ~~~~

Blaire Maniego's Point of View

Today is Sunday and we do not have a training today, because it's rest day.

But we are currently here at the office of headmistress. Pinatawag niya na naman kaming mga Class S dito sa opisina niya and I don't know why.

Narito kaming lahat, including him. Calyx, the second guy who confessed about love and adoration to me. He's sitting beside me right now, while facing headmistress.

"I summoned all of you here...because you'll be meeting the counsil today," sambit ni headmistress sa amin. Bakas naman ang gulat at pagtataka sa mga mukha namin ngayon.

"Bakit sila pupunta dito...for the first time in forever?" tanong naman ni Lovely. So, ibig sabihin ay hindi pa nakaka-punta ang mga miyembro ng counsil dito ever since?

Bago pa man maka-sagot si headmistress sa tanong namin ay biglang may kumatok na kung sino sa pintuan, saka ito dahan-dahang bumukas.

Nang mabuksan ito ng tuluyan ay mayroon kaming nakitang mga naka-tayo sa pintuan. Mga mala-Greek Gods and Goddesses sa sobrang ganda at guwapo ng mga nasa harapan namin ngayon.

Biglang tumayo si headmistress, saka sinenyasan niya kami na tumayo rin. Nag-bow si headmistress, kaya naman ay sumunod kami.

"Magandang araw sa inyo, counsil. Binabati namin kayo," bati ni headmistress sa mga taong naka-harap sa amin ngayon, na ngayon aypapasok na rito sa opisina.

Sila ang counsil? They look very young.

"Stop the formality, V. We are here to discuss about something together with you and the Class S students," said the guy na mayrong itim na itim na kulay ng buhok.

Iginaya naman kami ni headmistress paupo. Naka-upo kami sa kaliwang sofa, at sa kanan naman naka-upo ang mga miyembro ng counsil. So basically ay kaharap namin sila. At si headmistress naman ay nasa dulo sa may gitna.

"So, before we start, let's introduce ourselves first," sambit ni headmistress, saka niya kami sinulyapan. Kaagad naman kaming nag-pakilala sa kanila.

"Hi po! My name is Lovely. The holder of Lightning. I'm pleased to meet all of you," pakilala ni Lovely habang naka-ngiti pa at pakaway-kaway sa kanila.

"I'm Seven, the one and only air elementalist, at ang pinaka-guwapo sa balat ng hangin kung may balat man ang hangin. Good day!" mahangin naman na pagpapakilala ni Seven sa kanila.

"I'm Lawrence. Earth elementalist. Nice to meet and know all of you," sambit ni Lawrence with a serious face.

"Calyx. Water and Ice," cold namang pakilala ni Calyx sa kanila. Tumango naman sila, saka sila lumingon sa akin. Kumaway naman ako, saka ako ngumiti.

"Hi! Ako nga pala si Blaire Maniego. Isang fire elementalist at holder rin ako ng power of music. Ikinagagalak kong makilala kayong lahat," pormal na pakilala ko sa kanila. Kung pormal nga ba 'yon.

"Okay, so. I'm Xander, the secretary of the council," pakilala no'ng lalaking light brown ang buhok.

"I'm the rulemaker. Sean at your service," pakilala naman no'ng lalaking blonde naman.

"I'm Quriz. I punish rulebreakers," pakilala no'ng medyo seryoso naman na lalaking may pulang mukhang violet na buhok.

"I'm Zero, at your service. Kahit ano role ko, hehe," sambit naman nung may dark brown na buhok, saka siya kumamot sa leeg. Siniko naman siya ng katabing si Sean, kaya naman ay napa-ngiti ako, nang biglang may humawak sa kamay ko.

The BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon