Chapter Thirty

434 19 3
                                        


~~~~Φ~~~~
Blaire Maniego's Point of View

Ilang minuto ring nag-tagisan ang mga grupo namin, hanggang sa nag-simula na ang labanan. Calyx and Lawrence faced the red haired guy. Habang kaharap naman ni Lovely at Criza iyong itim ang buhok na siyang air elementalist. At kaharap namna ni Lawrence iyong blonde haired guy na earth elementalist rin.

Habang ako...kaharap ko siya.

Naka-tayo siya sa harapan ko, at naka-upo naman ako sa harapan ng instrumento ko. Hindi kami gumalaw o kung ano. We just stared at each other, kahit na nasa gitna kami ng labanan.

He looks different. The way he look at me is different from before. He changed.

Well, what do I expect? Baka nga pagpapanggap lang rin lahat ng pinakita niya sa akin noong narito pa siya sa Academy of The Braves.

Huminga ako ng malalim, saka ako mabilis na tumugtog. Sinabayan niya naman ang bawat tira ko ng kapangyarihang tubig. Apoy laban sa tubig. Habang may naka-shield sa kanya na yelo...na sa tingin ko ay sobrang tibay.

"Why are you doing this?" I asked, habang patuloy pa rin sa pakikipag-laban sa kanya.

"Because we're enemies," sagot niya naman sa akin na ikina-sikip ng dibdib ko.

"Pero totoo ba iyong mga s-sinabi mo noon?" I asked again. Napa-tahimik naman siya dahil sa itinanong ko sa kanya, at sasagot na sana nang biglang lumitaw ang isang may katandaang lalaking naka-suot ng kulay itim, kasabay ng pag-labas ni headmistress at ng mga miyembro ng counsil, kaya naman ay napa-tigil kami sa pakikipag-laban.

"Lucius!" sigaw ni headmistress sa lalaki. Humalakhak naman ang lalaking iyon.

"Long time no see, Victoria. Kasama mo pa talaga ang counsil. Are you scared?" halakhak no'ng Lucius. Kumuyom naman ang kamao ni headmistress.

"Stop this already, Lucius," utos ng headmistress na may halong diin.

"Why? And don't tell me what to do. You're just my ex-wife and you're just the mother of my son," diing sambit ni Lucius, saka siya sumulyap kay Frost, and there...napansin kong may hawig sila sa halos lahat ng parte ng katawan. Parang older version lang ni Frost si Lucius.

P-pero...ano?!

Asawa ni Lucius si headmistress, at anak ni headmistress si Frost? Edi ibig sabihin rin no'n ay magkamag-anak rin si Frost and Calyx?

"Sumuko ka na, Lucius," biglang singit naman ni vice president Red. Umiling naman si Lucis, kasabay ng pag-kumpas niya ng kanyang kamay.

Lumakas ang hangin...

Dumilim lalo ang kalangitan...

At rinig na rinig ang mala-demonyong halakhak ni Lucius...

Kasabay ng pandidilim ng kalangitan ay ang malakas na kulog at kidlat na tumatama sa bawat parte ng akademya.

"Tell me...mapipigilan niyo pa ba 'to?" ngisi ni Lucius, kasabay ng pag-labas ng mga demonyong monsters from hell katulad ng Chimera, Manticore, Cerberus, Phoenix, at iba pa na inatake kaagad ang mga Light Monsters at mga Light students of Academy of The Braves.

The BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon