Chapter Eight

655 38 0
                                        

~~~~Φ~~~~

Blaire Maniego's Point of View

Isang Cerberus na siyang alagad ni Hades mula sa impyerno na mayroong tatlong ulo at iisang katawan, at mayroon rin itong pula at nanlilisik na mga mata. Bumubuga rin ito ng nagbabagang apoy ng impyerno na maaaring sunugin pati ang kaluluwa mo.

At isa ring Manticore. Just like what I've said kanina. It has human head, lion body, and a tail of venomous spines called porcupine quills. 

Nakaka-takot nga namang tunay ang hitsura ng mga halimaw na ito, especially the Cerberus that can burn you 'till you turn into ashes.

Nang makarating ang mga Class S dito ay tila nagalit sila at saka nag-wala.

Humampas ang Manticore at bumuga naman ang Cerberus ng nagbabagang fire ball na ikina-takot ng mga estudyanteng naririto. Pina-likas na rin ang mga estudyante sa lugar na ito.

Patuloy pa rin ang labanan. Tila hindi naaapektuhan ang dalawang halimaw na nasa harapan namin ngayon, hanggang sa nag-water blast si Frost na ikina-galit naman ng halimaw na Cerberus, dahil nga sa apoy ng impyerno ang kakayahan niya. Pero, sa tingin ko ay hindi tubig ang makaka-talo sa kanya.

Humampas muli ang Manticore habang nilalabanan ito nina Lovely, ngunit nagulat kami nang biglang napa-hawak sa lalamunan ang Manticore at saka siya sumigaw ng sumigaw ng napaka-lakas.

"Anong nangyari?" takang tanong ko kay Seven. Ngumisi naman siya sa akin.

"I removed the oxygen in his body," sambit ni Seven habang naka-ngisi pa talaga sa amin na tila natutuwa sa kanyang ginawang pag-tanggal ng oxygen sa Manticore na malapit na sanang saktan si Lovely. Siniko naman siya ni Lawrence.

"Pabida ka naman. Pinatubuan ko nga ng vines ang lalamunan ng Manticore na 'yon," yabang naman ni Lawrence. Hindi ko na lang sila pinansin at inobserbahan ang bawat pag-tira at pag-sangga nila sa kaharap na Cerberus. Isa ito sa pinaka-delikadong creauture sa underworld.

Hanggang sa bigla ulit itong napa-sigaw nang matamaan ng tatlong electric arrows ang tatlong ulo nito mismo. Humiyaw ang Cerberus, saka siya nag-labas ng fire wave.

Napa-ngisi naman ako, saka ako nag-labas rin ng fire wave at nang mag-salubong ang dalawang apoy ay bigla itong sumabog. Kasabay nun ay ang pag-takbo ko sa kinaroroonan ng Manticore. Ramdam ko rin ang mga Class S na tumatakbo kasama ko. Lahat kami ay may mga bola ng enerhiya ng aming kapangyarihan sa kamay. Ang ginamit ko namang apoy ay mula sa impyerno.

Impyerno laban sa impyerno.

Nang mawala ang usok ay huminto kami malapit rito saka namin pinakawalan ang mga kapangyarihan namin. Nahati pa sa tatlo ang bola ko at tumama sa bawat ulo ng Cerberus. I used the blue blazing fire of Hades from hell.

Hanggang sa unti-unting nawala ang Cerberus at naging abo, kasabay ng pag-dating ng headmistress, saka kami nito pina-sunod sa kanya patungo sa office niya dahil mayroong mahalagang paguusapan sa ngayon. Maaaring dahil iyon sa pag-atake ng dalawang alagad ng kasamaan.

"Bakit may naka-pasok rito sa Academy? Matibay ang barrier natin, at hindi maaari ang ganoong creature na maka-pasok rito ng basta-basta lang," seryosong sambit ni Lovely. Nag-isip naman ang headmistress, saka niya inayos ang glass niya.

"Maaaring mayroong nag-summon nito dito sa loob mismo ng campus. Ang tanong nga lang ay sino ito? Malaking parusa ang ipapataw sa kanya kapag nahuli siya. Ang tapang naman niya. At sa tingin ko ay miyembro ito ng rare class. Isang summoner," sambit ng headmistress na ikina-tahimik namin. Napa-isip rin ako sa sinabi niya, saka ako tumango. Bakit naman nila gagawin 'yong bagay na ikasisira ng paaralan?

The BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon