~~~~Φ~~~~
Blaire Maniego's Point of View
Naalimpungatan ako nang maka-rinig ako ng ingay galing sa dalawang bunganga na walang ginawa kung 'di ay ang mag-away. Iminulat ko ang mata ko, at saka ini-libot ko ang paningin ko, at doon ay nakita ko si Lovely na kasalukuyang inaaway si Criza, kung sino ba talaga ang mas maganda sa kanilang dalawa. Tsk!
"Shut up," sambit ko, saka ako dahan-dahang umupo at napa-hawak sa uluhan ko. Napa-lingon naman silang lahat sa akin na para bang gulat na gulat, kaya tinaasan ko sila ng kilay.
"Bakit?" tanong ko, pero umiling lang sila. Ini-libot ko ang paningin ko at saka ko napag-alaman na nasa isang clinic pala ako kung saan ginagamot ng healers ang estudyante ng akademya na ito. Napa-kunot naman ang noo ko.
"Anong nangyari? Why am I here?" takang tanong ko sa kanila, at pilit kong inalala ang nangyari, pero wala akong maalala na kahit anong kaganapan.
"Natagpuan ka naming naka-bulagta kahapon malapit sa may stall. And, we would like to inform you that today is the closing of our school magic fest," sagot naman ni Seven sa akin, habang naka-pamulsa, at saka naman tumango bilang pagsang-ayon ang iba, maliban sa kanilang dalawa, siyempre. Parehong nagyiyelo, eh.
Tumango na lang ako sa kanila, saka ako napa-buga ng hangin. Hays!
"Ayon sa healer na gumamot sa iyo, isang poison ang lumason sa iyo. The poison of black rose's thorn," paliwanag naman sa akin ni Lawrence, at napa-tango na lang akong ulit, ngunit may isang tanong ang bumabagabag sa isipan ko.
"Sino naman ang gagawa sa iyo niyan, Blaire?" kunot noong tanong ni Criza. Good question. 'Yan rin ang tanong ko sa sarili ko.
Kung sino ba ang gumawa at gagawa sa akin nitong bagay na ito.
"Iyan ang kailangan kong alamin," sambit ko, saka ako tumayo. Napa-titig sila sa akin.
"Let's go sa rides sa labas. Ayaw niyo bang mag-saya?" pag-aya ko sa kanila. Nagka-tinginan naman sila, saka sila ngumiti sa akin at kaagad na pumayag sa alok ko, att ayun na nga. Umalis na kami sa loob ng clinic at tumungo na sa labas para sa mga nakaka-aliw na rides. Special rides na magpapa-sigaw sa iyo ng malakas.
Una naming sinakyan ay 'yong mahihinang rides. 'Yong hindi ka patitiliin.
Sunod naman ay ito na. Rollercoaster. By partner ang seat dito. And ang partner ko ay walang iba kung hindi ay si Frost.
Umandar na ang rollercoaster, at ayun. Mahina pa noong una, hanggang sa lumakas na. Napa-tili naman ako ng malakas, saka ako napa-kapit kay Frost, at sumiksik sa kanya. Si Frost naman ay kampante lang na naka-upo, at pokerface pa talaga! Hindi ba siya natatakot? Jusko. Para na akong mababaliw sa ride na ito.
Matapos ang nakaka-hilo na ride na iyon ay kaagad akong bumaba at saka ako sumuka sa may gilid. Lumapit pa sila sa akin at tinanong kung ayos lang ba ako. Nakita ko namang ngumisi si Frost, kaya umirap lang ako sa kanya. Nalula ako! Shemay.
"Here," biglang sambit ng isang malalim na boses. Lumingon naman ako sa pinanggalingan nito, at saka ako napa-hinto. It was Calyx. Naka-hawak siya ngayon ng isang mineral bottled water at ina-abot niya ito ngayon sa akin.
"Salamat," sambit ko, saka ko iyon kinuha at ininom ng tuluyan. Hinimas naman ni Lovely ang likuran ko. Ngumisi-ngisi naman si Criza sa akin sa may tabi, at nginunguso pa si Calyx na ngayon ay prenteng naka-tayo.
BINABASA MO ANG
The Brave
Fantasy[C O M P L E T E D] "Not your oh so ordinary story" In the latest iteration of human evolution, some people are born with magical powers, but when they lived amongst human, the world became a dangerous battleground. A dangerous realm, to be exact. T...
