~~~~Φ~~~~
Blaire Maniego's Point of View
Today is the opening day of the school magic fest. Everyone is excited na rin. Ang naka-assign sa booth ng class namin ngayon ay sina Seven at saka si Lawrence, at Lovely. Bukas lang naman ito mula eight ng umaga hanggang five ng hapon, eh. Bukas naman ay si Calyx, Frost, at ako ang naka-assign dito. Sinama pa talaga ako sa dalawang nagyeyelong lalaking 'yon. Siguradong mapapanis ang laway ko to the highest level bukas. At sa last day naman ay lahat na raw kami ang magbabantay. They are sure raw kasi na tataas ang sales at makaka-bawi kami if lahat na kami ang naroon. Dapat kasi kami na lang ni Lovely ang partner ngayon, eh.
Nandito nga pala ako sa hallway, naglalakad. Criza is not around kasi busy siya sa booth nila. Siya kasi ang naka-toka ngayon, kaya wala tuloy akong kasama.
Mamaya rin pala gaganapin ang opening concert and part one of battle of the band. Siguradong dudumugin ang stage mamaya sa dami ng manonood. Once kasi na nag-simula na ang opening, puwede na ring pumasok ang mga magicians mula sa iba't-ibang school.
Habang naglalakad ay napapa-tingin ako sa mga booth ng bawat class na nadadaanan ko. Halata rin namang pinag-hirapan nila ang mga ito base sa hitsura ng bawat booth na naririto.
Mayroong Rollercoaster Booth, kung saan magkakaroon ka ng trip to heaven ride. Maid and Butler Cafe kung saan ang mga trabahador ay ang mga estudyante. Sweet and Mix kung saan binibenta ang chocolates and junk foods. Mayroon ring Fortune Telling Booth, and Booth of Amulet.
Pumasok naman ako sa Sweet and Mix, at saka ako nag-order ng isang bar ng chocolate. Dairy milk. Masarap kasi ang chocolate kahit na minsan lang ako maka-kain ng ganito noon sa sobramg hirap ng pamumuhay ko sa Nevania.
Nang maka-bili ako ay lumabas na ako at nag-tungo sa Maid and Butler Cafe, at saka ako nag-order ng cappuccino, total malamig naman ang panahon sa ngayon. Marami ring tao rito sa cafe na ito ngayon.
Nang makuha ko ang order ko ay nag-hanap na ako kaagad ng mauupuan, hanggang sa maka-hanap na ako. Tumungo ako sa may bintana malapit at saka ko ini-lapag ang chocolate and cappuccino ko roon, saka ako tuluyang umupo.
Nangalumbaba ako, habang kumakain ng tsokolate. Nag-lagay rin ako ng konting tsokolate sa kape ko. Masarap kasi kapag ganun. Weird lang rin talaga siguro ako.
Bigla akong napa-isip...
Paano kung may mangyaring masama mamaya? Bukas? O sa closing? Maraming mapapahamak kasi ang daming taong pupunta rito.
Napa-iling naman ako saka ako humigop sa cappuccino ko. Ang negatibo ko talagang mag-isip kahit kailan. Tsk!
Nang maubos ang tsokolate at kape ko ay tumingin na muna ako sa may bintana, nang bigla akong naka-ramdam ng lamig sa wrist ko na parang may bumalot rito, kaya naman ay napa-lingon ako rito at doon ay nakita ko ang isang babae at isang lalaki na naka-suot ng pang-guardia ng palasyo, at ang wrist ko na naka-posas na.
"A-anong?" gulat kongsambit sa aking nakita. May iilan ring napa-tingin sa direksyon ko.
"You're under arrest," sambit nila, saka nila tinakpan ng panyo ang mata ko, saka ako biglang naka-tulog rin.
Pag-gising ko ay naka-upo ako sa isang upuan. Madilim rin ang buong paligid.
Mayamaya lang ay biglang may tunog. Nabalot ng liwanag ang paligid nang bumukas ang pintuan, at pina-upo sa harapan ko ang isang lalaking naka-blindfold.

BINABASA MO ANG
The Brave
Fantasy[C O M P L E T E D] "Not your oh so ordinary story" In the latest iteration of human evolution, some people are born with magical powers, but when they lived amongst human, the world became a dangerous battleground. A dangerous realm, to be exact. T...