Chapter Twenty-Seven

342 17 0
                                        


~~~~Φ~~~~

Blaire Maniego's Point of View

"Sino 'yan?" sigaw ko at saka ako dahan-dahan na lumapit sa pinanggalingan ng kaluskos na iyon.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga oras na ito. Baka kasi delikado ang naka-tago sa likod ng mga naka-tumbok na dahon at halaman na pinanggalingan ng kaluskos. Malay mo, mumu pala 'yan. Baka lost soul! Wakwak. Aswang. Mambabarang. O baka taong mahilig mang-ghost lang.

Nang makalapit ako ay biglang lumabas ang isang...isang Chimera?!

Kaagad akong napa-atras ng ilang beses, saka nanlalaking mata na tinititigan ito.

The Chimera according to The Book of Monsters, was a monstrous fire-breathing hybrid creature of Lycia in West of Dark, composed of the parts of more than one animal. It is usually depicted as a lion, with the head of a goat protruding from its back, and a tail that might end with a snake's head. Ang abilidad nito ay ang magbuga ng apoy.

Ang Chimera ay para lang ring Manticore. Pareho silang monster at may parte ng mga hayop sa pisikal nilang pangangatawan. Sadyang nakakatakot rin ang mga nanlilisik nitong mga mata.

Kaagad akong umatras nang bumuga ito ng apoy at nag-wala. Hindi siya ordinaryo. Kakaiba nga naman ang laro na ito. Parang tunay ang lahat.

Madali lang naman yata 'tong matatalo. Sa tingin ko lang naman, eh.

Nag-isip ako kaagad ng mga paraan kung papaano ko ito matatalo lalo na at pareho kami na may kakayahan o abilidad na gumamit ng apoy. At pareho ring pang-atake ang kapangyarihan naming dalawa.

Until I remembered that I can control the fire of hell and Hades nga pala.

I smirked, at saka ko unti-unting itinaas ang kamay ko, habang patuloy pa rin na umiilag sa mga atake ng Chimera sa akin, hanggang sa mataas akong tumalon at doon ay kaagad ko siyang tinira habang nasa ere ako.

Humiyaw ng humiyaw naman ang Chimera sa sakit na nadarama niya dahil sa ginawa ko sa kanya, hanggang sa masunog siya ng tuluyan at maging abo na tinangay ng hangin papalayo.

Nagkaroon kaagad ako ng limang puntos para roon. Lumipas ang ilang oras ay naka-ingkwentro ako ng isang Sphinx.

According to the book of monsters, a sphinx is a dark creature with the body of a lion or human mixed with lion's body, most often with a human head and sometimes with wings. Well, natalo ko naman kaagad ito. Hindi na ako nahirapan pa dahil kaagad kong nakita ang weakpoint nito at automatic na naging 10 na ang points ko na naka-ukit sa kamay ko sa ngayon.

Ngayon ay nasa gitna ako ng gubat. Naghahanap ako ng makakain sa mga punong nadadaanan ko, hanggang sa makakita ako ng isang puno na puno ng iba't-ibang klase ng prutas na mukhang masasarap rin talaga, kagaya na lang ng diamond fruit na siyang sikat at pinaka-mahal na prutas rito sa mundo ng mahika dahil na rin sa mga maaaring gawin nito. Gamit rin ito sa medisina, at isa rin itong power booster.

Kumuha ako ng marami, saka ako kumain sa sanga ng puno upang bumalik ang lakas ko. When suddenly, I saw a box of something sa sanga na inuupuan ko.

Kinuha ko naman iyon ng walang paligoy-ligoy, at nang buksan ko iyon, ang naka-lagay roon ay ang word na treasure, and automatically, nagkaroon ako ng sampong puntos. Bale, 20 points na ang meron sa akin sa loob ng ilang oras.

Maggagabi na rin. Siguro ay dito na lang ako sa itaas ng puno magpapahinga sa upang walang maka-pansin sa akin na kalaban dito sa laro dahil deadballs talaga ako niya.

The BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon