~~~~Φ~~~~
Blaire Maniego's Point of View
We're currently waiting for Frost dito sa sala ng aming house. Nasa kuwarto pa kasi siya, and sabi nila...no one ever dared to open the door of his room. If you dare, you die. Siyempre! Natakot naman ako, kaya nag-hintay na lang rin ako dito sa sala kasama nila, no! Ayaw ko pang mamatay, duh.
Mayamaya pa, habang nag-uusap ang iba at si Calyx, at ako naman ay naka-higa sa sofa...ay bigla na lang lumabas si Frost sa kuwarto niya. Bagong ligo pa yata ito, at saka naka-suot rin siya ng maong na pants at saka black na shirt.
Tumingin siya sa amin, saka siya nag-lakad papalapit sa direksyon namin at umupo sa kaharap kong sofa.
"Buti naman at nandito ka na," Seven said, saka sila umayos ng upo, ganoon rin si Calyx. Tumikhim naman si Frost.
"Yes. So, nandito tayo ngayon para malaman kung sinuman ang nag-summon ng dalawang Dark Creature dito," paunang pagsasalita ni Frost, saka niya ini-labas ang isang listahan, at doon ay nabasa namin ang tanging nag-iisang pangalan na nabi-belong sa Class A.
•••
Sheeva Montez - She is a rare type monster summoner that can call every monster, from light to dark.Background :
-Grade Level 45
-17 years old
-Summoner
-Lover of Mysteries and ChaosFamily :
- Both are dead•••
Bigla naman kaming napa-hinto, saka namin tinitigan ang mukha niya sa picture na naka-dikit sa papel. Isang babaeng mayroong suot na itim na headband. Kulot ang buhok, at naka-ngisi sa litrato.
Siya ba si Sheeva? Para namang nakakatakot ang mga ngisi na naka-kurba sa labi niya. Para ring tinititigan ka nito, kahit na nasa picture lang siya.
"Sino ang huhuli sa kanya?" tanong ko pa. Lumingon naman sa akin si Frost, saka siya lumingon rin kay Calyx.
"Kayong dalawa," sambit niya gamit ang blankong mukha, saka siya tumayo. Aangal pa sana ako, pero kaagad na siyang tumalikod at saka nag-lakad palayo mula sa amin.
Aish! Napa-kamot na lang ako sa buhok ko, saka ako tumili sa inis at padabog na umupo. Napa-lingon naman sa akin si Calyx.
"Shut up. I'm trying to rest and relax here," sambit nito gamit ang iritableng boses at mukha. Napa-irap naman ako, saka ako nag-crossarms sa kanya.
"Eh, kung hulihin na lang kaya natin si Sheeva ngayon? Para tapos na lahat ng 'to. Tsh! That girl...what a trecherous student," inis ko ring sambit, saka siya sinamaan ng tingin na para bang nakalimutan ko kung sino siya at ano ang kaya niyang gawin.
"We'll capture her tomorrow," sambit niya, saka siya tumayo at lumakad papasok sa kuwarto niya. Napa-iling naman ako, saka ako napa-yuko. It's been two days noong sumugod ang mga halimaw na iyon. And it's been two days mula nang mag-simula ang aming misyon.
Tumayo ako, saka ko binuksan ang pintuan nang may marinig akong kumatok, at nang buksan ko ito ay nakita ko si Criza na malapad ang ngiting naka-kurba sa mga labi.
"Bakit? Anong ginagawa mo dito?" gulat kong sambit sa kanya. Bigla naman niya akong hinila palabas.
"Tara! Shopping tayo sa labas. Total, it's already Saturday, so free time na natin at puwede na tayong lumabas," sambit niya sa akin. Nakita ko rin na naka-bukas ang gate mula sa malayo. Mayroon ring train station roon na parang roller coaster ang hitsura. Nakaka-lula.

BINABASA MO ANG
The Brave
Fantastik[C O M P L E T E D] "Not your oh so ordinary story" In the latest iteration of human evolution, some people are born with magical powers, but when they lived amongst human, the world became a dangerous battleground. A dangerous realm, to be exact. T...