~~~~Φ~~~~Blaire Maniego's Point of View
Si Lawrence at Seven ay kasalukuyan na naglalaban ngayon nang walang gamit na kapangyarihan. I'm wondering kung sino kaya ang mas malakas sa kanilang dalawa? Especially that they are both an elementalist, and that they belong to the highest tier which is the Class S and house of Myracleus.
Sumugod ng suntok sa panga si Seven kay Lawrence nang maka-tayo siyang muli, matapos siyang sipain ni Lawrence sa tiyan na may malakas na puwersa na siyyang nagpa-bagsak sa kanya sa lupa.
Napa-atras si Lawrence dahil sa suntok na natamo niya sa panga mula sa kamay ni Seven na ngayon ay naka-pormang bilog pa rin. Ngumisi naman si Lawrence sa kanya ng mapang-asar at saka siya mabilis na tumakbo palapit kay Seven. Nag-taka naman si Seven at naalarma sa plano ni Lawrence na gagawin.
Nang maka-lapit si Lawrence ay sinipa niya ang pagkalalaki ni Seven, saka niya ito sinapak ng dalawang beses sa mukha. Nang mapa-higa si Seven ay sinakal siya ni Lawrence. Ngumisi naman si Seven, kasabay ng pag labas ng kapangyarihan niya sa kamay niya at pag-tira nito sa likuran ni Lawrence kaya't napa-hiyaw ito at napa-bitaw kay Seven, na siyang tumayo na naman ngayon at sinipa si Lawrence, saka niya ito sinaksak sa noo gamit ang sanga ng kahoy.
Pagkatapos no'n ay unti-unting nag-fade ang katawan ni Lawrence na mayroong tarak sa ulo, saka napa-upo si Seven sa lupa at pinunasan niya ang pawis na nasa noo niya. Huminga rin siya ng malalim, at saka siya lumingon sa direksyon ko.
Mabuti na lang at mabilis akong nakapag-tago sa mga dahon na narito, saka ako gumapang paalis. Nang medyo maka-layo ako ay sinilip ko ang kinaroroonan ni Seven na ngayon ay naglalakad na paalis.
Huminga ako ng malalim, saka ako mariin na napa-pikit.
This game's way is like a puzzle. Too hard for me to fathom.
Umiling na lang ako, at saka ako palihim na sumunod kay Seven na nakaka-kuha na rin ng ilang points sa mga treasure na napupulot niya. Wala naman kasi siyang nakaka-encounter na kahit na anong klase ng monster. Kahit na low class monster, wala rin naman.
Patuloy lang siya sa paglalakad, at patuloy lang rin akong sumusunod sa kanya ng palihim, hanggang sa huminto siya ng tuluyan. I think he felt my presence, that is why he stopped. Kaagad naman rin akong huminto, saka ako nag-tago sa likod ng puno at sinilip ang naka-talikod niyang pigura.
"Lumabas ka na r'yan sa pinagtataguan mo," sambit niya bigla. Kinabahan naman ako dahil sa sinabi niya. Alam niya pala na sinusundan ko siya? Hays.
Napa-face palm na lang ako, at lalabas na sana sa pinagtataguan ko nang bigla namang lumabas out of nowhere si Calyx na naka-pamulsa at tila chill na chill pa talaga. Pareho silang naka-talikod sa akin ngayon. Naka-harap ako sa likod ni Calyx, habang si Calyx ay naka-harap naman sa likod ni Seven na umikot paharap.
Ngumisi si Seven nang makita si Calyx. Nakita ko naman na ipinasok ni Calyx ang kanang kamay niya sa kanyang bulsa.
"Oh, Calyx!" bati pa ni Seven sa gitna ng kanilang ingkwentro. Tinaas naman ni Calyx ang kamay niya, saka siya kumaway na parang tinatamad.
"So...let's start our fight?" sambit ni Seven habang naka-ngisi pa rin, saka siya sumugod kay Calyx ng malakas na sipa na napigilan naman ni Calyx gamit ang kamay niya na nahawakan ang paa ni Seven.
BINABASA MO ANG
The Brave
Fantasía[C O M P L E T E D] "Not your oh so ordinary story" In the latest iteration of human evolution, some people are born with magical powers, but when they lived amongst human, the world became a dangerous battleground. A dangerous realm, to be exact. T...