~~~~Φ~~~~
Blaire Maniego's Point of View
Today is our magic class, and nagtuturo sa ngayon ang aming guro rito tungkol sa mga mahika.
"Do you know that there is magic capabilities?" tanong niya sa amin pero wala namang sumagot kahit na isa. I guess, they all know na naman since inulit lang ang lessons na ito dahil mayroong dumating na bago, which is me.
"User has access to Magic, the use of rituals, symbols, actions, gestures, and language to exploit supernatural forces to varying degrees, with only their skill, personal power-level, imagination/knowledge, and/or morality to define the borders. Given the flexibility of magic, its users have essentially unlimited possibilities for what to do," she explained to us, saka niya kami tinitigang lahat, nang biglang mayroong pumasok sa door. It's Calyx, from Class A-1.
"Excuse me, Professor. The headmistress told me na dalhin si Miss Maniego sa office," sambit nito na ikina-bilis ng tibok ng puso ko. Tila kinikilig naman ang mga babaeng kaklase ko habang naka-titig sa kanya, habang ako--kinakabahan na ng sobra-sobra.
"Okay," sambit ni ma'am, saka siya lumingon at saka sumenyas sa akin na lumabas na at tumungo roon.
Dahan-dahan naman akong tumayo mula sa kinauupuan ko, at saka ako nag-pasalamat kay ma'am at lumapit kay Calyx na naka-pamulsa langsa may pintuan at chill na chill pa.
Habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ay tila mauubusan na ako ng laway. Wala kasing nagsasalita kahit na isa sa amin. Para tuloy akong may kasamang multo.
Hello, Heart. Genern!
"Bakit tayo pinatawag?" basag na tanong ko sa katahimikan na namamagitan sa amin, pero hindi man lang siya lumingon at sumagot sa akin.
Hmp! Suplado naman nito. Kala mo talaga kung sino, eh.
Habang naglalakad kami ay bigla kong natanaw ang isang papalapit na pigura, at doon ay nakita ko si Frost. Bigla akong napa-hinto, ganoon rin si Calyx at saka si Frost.
Parehong masama ang titig nila sa isa't-isa, saka biglang tumingin sa akin si Frost.
"You are supposed to be in your classes, my dear housemates. Bakit kayo nandito?" tanong nito sa amin ni Calyx.
Ano bang problema niya?
Magkaaway ba silang dalawa?
At bakit naman?
"Shut up, Frost," nagulat naman ako sa pabalang na sagot ni Calyx at sa pag-hila niya sa akin papalayo roon, hanggang sa makarating na kami ng tuluyan sa harap ng office ni headmistress. Ramdam na ramdam ko pa kanina ang matatalim na titig ni Frost habang naglalakad kami papalayo sa kanya.
Kakatok na sana ako, pero binuksan na kaagad ni Calyx ang pinto, saka niya ako hinila papasok at doon ay binitawan na niya ang kamay ko.
"So, nandito na pala kayo," naka-ngiting sambit ni headmistress sa aming dalawa, saka niya inabot sa amin ang dalawang susi.
"Para saan po ito?" takang tanong ko sa kanya.
"That's the key to your house. Mamaya, lahat ng estudyante ay tutungo na sa kani-kanilang sariling houses. And I would like to inform you guys na nalipat na kayo sa Class S dahil sa mga ipinakita niyo noong nakaraan at dahil sa grado o lebel niyo sa ating nag-daan na Graded Battle. Mamaya rin ay malalaman niyo ang new class schedule niyo," paliwanag ng headmistress sa aming dalawa ni Calyx. Ngumiti naman ako sa kanya at saka nag-pasalamat, ngunit nagulat ako nang biglang bumagsak ang pinto, at doon ko nalaman na umalis na pala si Calyx ng walang pasabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/198367710-288-k490410.jpg)
BINABASA MO ANG
The Brave
Fantasía[C O M P L E T E D] "Not your oh so ordinary story" In the latest iteration of human evolution, some people are born with magical powers, but when they lived amongst human, the world became a dangerous battleground. A dangerous realm, to be exact. T...