Chapter Three

693 45 0
                                    

~~~~Φ~~~~

Blaire Maniego's Point of View

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil maaga ang schedule ko today. Naligo ako kaagad, at saka ako nag-bihis ng uniform ko. Pagkatapos ay kaagad na akong bumaba at nag-tungo sa cafeteria upang kumain na muna. Wala si Criza. Hindi ko pa siya nakikita. Saan kaya siya? Hays.

I just ordered two pieces of sliced pizza, one large coke diet, and a piece of burger, at saka ako umupo sa may dulo ng cafeteria at doon nag-simulang kumain. Today is training day. From seven in the morning to three in the afternoon.

After kong kainin ang lahat ng iyon ay nag-taka ako nang biglang tumahimik ang cafeteria, kaya lumingon ako sa paligid, and then nakita ko iyong babae sa Class S. She's walking towards my direction with a blank face. Kinabahan naman ako ng kaunti. May nagawa ba ako?

"Hi," bungad niyang bati sa akin habang naka-ngiti ng slight. Half smile to be exact. Now, I remember her name. She's Lovely Marquez.

"Hello. Ano pong kailangan mo?" tanong at bati ko sa kanya pabalik ng may paggalang, dahil na rin sa nakaka-taas siya sa akin, at baka magalit siya. Nagulat naman ako nang bigla siyang umupo sa kaharap kong upuan saka siya diretsong tumingin sa mga mata ko.

"Are you Blaire? The new student?" tanong niya, at tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kanya.

"I heard that you're a fire elementalist and music mage. So, why are you in Class A?" kunot noo niyang tanong sa akin. Nag-kibit balikat naman ako sa kanya.

"I don't know. Sabi ng headmistress, sa Class A raw muna ako, before I proceed to Class S. I think, they will observe me," sagot ko sa kanya at napa-tango naman siya sa akin. Ito lang ba ang ipinunta niya? Feeling ko tuloy importante ako. Madalas lang silang makita, pero heto siya--nasa harapan ko mismo, at kinakausap ako.

"I see. I think that's the reason why his magic did not effect on you.  So, nice to meet you, by the way," sambit niya saka niya inabot ang kamay niya sa akin. May sinabi pa siyang iba ngunit hindi ko narinig dahil pabulong lamang niyang sinabi iyon sa sarili niya. Nag-usap lang kami sandali, hanggang sa nag-paalam na siyang aalis na siya, kasabay naman ng pag-sulpot bigla ni Criza na nanlalaki pa ang mata. Hinampas niya pa ako sa braso, bago siya umupo sa harapan ko. Nag-bulungan rin 'yong mga taong narito, pero hindi ko na lang pinansin.

"Grabe, girl! Yesterday, nag-titigan contest kayo ni Frost. Tapos ngayon, nag-usap kayo ni Lovely? You're really something that I can't explain," sambit niya, saka niya kinuha ang natitira kong pizza. Umirap naman ako sa kanya. Pasimple rin siya, eh. Gusto niya lang talagang kainin 'yong pagkain ko.

"By the way, Blaire. Handa ka na ba sa training para mamaya?" tanong niya bigla sa akin. Napa-isip naman ako saka ako tumango sa kanya.

"Oo naman. Sanay na rin ako sa pakikipag-laban sa labas. Laki ako sa hirap, kaya naman alam mo na," sagot ko pa sa kanya, at tumango-tango naman siya sa akin, at saka niya sinubo ng buo ang natitirang pizza, saka niya ako niyaya na pumunta na sa room dahil malapit na ang time. Iba ang room namin ngayon. Sa training room kasi kami magti-training. Alangan namang sa room 'di ba? Edi nasira 'yon.

Habang naglalakad kami sa hallway ay may iilang napapa-tingin sa akin. Sikat agad ako ngayon, ah? Dahil siguro sa pag-kalat na isa akong fire elementalist and rare magic user, at naka-usap ko pa si Lovely Marquez kanina.

Umiling na lang ako sa naisip ko, saka kami huminto ni Criza sa harap ng isang silver na pintuan. Kaagad kaming pumasok roon at naabutan namin ang mga kaklase namin na naka-upo ngayon sa sahig, at ang isang lalaki na naka-tayo sa harapan nila.

The BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon