~~~~Φ~~~~
Blaire Maniego's Point of View
Busy ang lahat ngayon sa paghahanda para sa gaganaping school magic fest. Naglalakad nga pala ako sa hallway ngayon at patungo na sa classroom upang pag-planuhan at ihanda na agad ang booth na gagawin namin dahil two days na lang at mag-bubukas na ang school at dapat ay naka-handa na rin ang mga booth at ang stage for battle of the bands and para na rin sa concert.
Nang makarating ako sa room ay umupo kaagad ako, saka noong makumpleto na kaming Class S, kaagad na rin kaming nag-plano ng mga gagawin namin.
"What booth should we do nga pala?" tanong ni Seven sa amin, at 1saka siya tumingin sa akin na parang nag-tatanong kung mayroon ba akong mai-susuggest sa kanila.
"Oo nga," sigit pa ni Lawrence, saka siya kumamot sa noo niya at sumandal sa sandalan ng upuan niya.
Napa-isip naman ako, saka ko inalala 'yong mga ginagawang booth sa market ng Nevania dati.
"Hmmm. Okay. I'll suggest something. What about butler and maid cafe booth? Or photo booth? Or puwede rin naman ang jail booth," sambit ko. Napa-isip naman sila Lovely. 'Yong dalawa kasing kaklase namin, parang walang pake sa nangyayari. Sino pa nga ba? Edi si Calyx at Frost lang naman na parehong nagyiyelo sa sobrang lamig kung maki-tungo sa lahat ng tao.
"What about horror jail? Kapag pumasok siya sa rehas ay kailangan niyang tumakas. We'll make some ghost and horror illusion," sambit naman ni Lovely. Bigla naman kaming nagka-tinginan, saka kami naka-ngisi.
"Maganda nga 'yan," sambit ni Lawrence habang naka-ngisi pa.
"Pero saan tayo hihingi ng ilusyon? Wala namang illusionist sa atin," takang tanong ko naman sa kanila.
"I have an illusion stone that can last up to three straight days," singit naman ni Seven. So, we don't have to buy props and other things? That is a good thing then.
Mayamaya lang ay idinikit namin sa ceiling ang illusion stone, kasabay ng pag-pikit ni Seven at pag-isip ng magandang konsepto ng horror booth, hanggang sa unti-unting nag-bago ang lugar.
Dumilim bigla ang paligid at nag-karoon rin ng mga pader na may naka-latay na veins. At para ring lumaki ang espasyo ng kuwarto dahil sa illusion. May mga kaluluwa ring dumadaan at mayroon pang may mga nakaka-takot na hitsura.
Isang horror jail maze ang aming booth, to be exact. Lumabas naman kami kaagad doon dahil alam naman ni Seven ang palabas dahil siya ang gumawa ng maze.
Nang maka-labas kami ay nag-high five pa kami saka kami nag-tawanan. Hanggang sa nagka-yayaan kami na tumungo na muna sa cafeteria.
Habang naglalakad kami ay usap lang kami ng usap, habang 'yong dalawa naman ay parang na-pipe na sa likuran habang naka-sunod lang sa amin at tahimik na tahimik. Baka mapanis laway nilang dalawa niyan.
Napapa-tingin rin ako sa mga nadadaanan naming classroom. May nagpi-prepare pa ng booth, mayroon namang iilan na tapos na sa pag-isip at pag-ayos ng mga kailangan sa booth nila.
Nang makarating kami sa cafeteria ay as usual, tumahimik bigla. May iilan pang napapa-tingin sa akin. Bago nga kasi ako tapos nasa Class S na agad ako. Tapos nung nasa Class A naman ako, parang galit pa rin sila sa akin kasi raw elementalist and rare type user ako tapos nandoon ako. Ang gulo rin ng isip nila, eh. Parang mga sirang 'to.
BINABASA MO ANG
The Brave
Fantasy[C O M P L E T E D] "Not your oh so ordinary story" In the latest iteration of human evolution, some people are born with magical powers, but when they lived amongst human, the world became a dangerous battleground. A dangerous realm, to be exact. T...